Scratch 21 Diretso ang lakad ni Niccolo palabas ng gym. Inantay talaga niyang makaalis ang lahat bago humayo para hanapin ang lagi niyang hinahanap. Lunch time ngayon, kaya maaaring lahat ng classmates niya ay nasa Burp Place- ang pinakadinadayong kainan ng mga estudyante at guro ng MCHS. Sikat ang kainang iyon dahil sa vanilla turon nilang panghimagas. Hindi nakakasawa ang tamis nito, samahan mo pa ng malamig na iced tea na mabibili mo sa halagang limang piso lang kada isa. Anyway, ayun nga. Huminto si Nicco sa Heroes’ Park, kaharap lang ng kanilang classroom. Nakita na niya ang hinahanap. Kinuha niya ang isang supot mula sa kanyang bagpack. Dahan-dahan niya itong nilapitan at tinawag sa pangalan. “Spot,” tawag niya dito. May luha sa mata ng aso habang nakatingin sa kanya. Winag

