CHAPTER TWELVE-SHE CAN'T ESCAPE ANYMORE Hindi niya alam kung nagbibiro ba ang Diyos at siya ang napag-tripan nito. Bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay si Yheven pa talaga ang makakapareha niya? Tuwang-tuwa na kaya ang kapalaran dahil sa nahihirapan siya ngayon? Kung nagbibiro man ito ngayon, pwes hindi siya natutuwa. “Hindi mo ba ako narinig?” untag nito sa kanya. Bigla siyang napaatras. “A-anong sabi mo?” nauutal na balik na tanong din niya rito. “Hindi mo ba talaga ako narinig o nagbibingibingihan ka lang?” umurong nayata ang dila niya dahil gustong niyang magsalita ngunit hindi niya magawa. “Sa tingin mo ba hindi kita makikilala dahil nagsuot ka nang ganyan? You even tried to hide in a fuc*ing drum! Do you really think I’m that stupid, huh? Until now, tanga pa rin ang tingin

