The plan is to finish all the paper works before the afternoon and to reschedule all the afternoon meetings so that I can surprise Markiel in his game. Hindi ko nga lang matanggihan si Mackisig kahit na sinabi kong may practice game ang kaibigan n'ya. Gabi pa raw naman ang party na inihanda n'ya. See? Bago pa man n'ya ako yayaing mag-celebrate, nakapag-prepare na s'ya para roon. Okay lang naman sa akin kung pupunta kami. Magkaibigan ang dalawa at may kinalaman din sa kompanya ko ang rason ng celebration but I doubt na dahilan lang 'yon ni Mackisig. Kahit nga siguro walang okasyon ay magpa-party ang isang 'yon, e. "Mamaya ko na nga poproblemahin 'yon," pabulong na sabi ko sa sarili. May ilan pang reports na kailangan kong basahin at pasado ala una na ng hapon! Hindi naman nagtagal si

