"Do you know why I was named Delilah?" I eyed Delilah as she confidently walked towards me. She took her time walking. Sigurado ang bawat hakbang n'ya at ramdam kong nandito na s'ya para magalit sa akin o ako ang magagalit sa kanya. Alinman sa dalawa, siguradong hindi ko iyon magugustuhan. Inilapag n'ya ang mamahaling bag sa ibabaw ng lamesa ko at mapang-asar na tumawa habang nakatingin sa akin. I'm still sitting on my seat, waiting for whatever she wants to do or tell me. "Mama... oh, she's also your mother, right?" Lalo pa s'yang tumawa. "She told me na matagal na n'yang pangarap na magkaroon ng anak na babae. Sila ni papa. They also talked about the name that they would give to their daughter..." "Unfortunately, your father came in the picture. Hindi natupad ang pangarap nilang p

