Hindi pa man nagsisimula ay alam ko nang successful ang launching and press conference ng summer line ng Four Seasons Collection. Mas malaki ang venue dahil mas madaming imbitado mula sa malalaking kompanya at hindi lang iyon limitado sa industriya ng cosmetic. I became so busy. Bukod sa kailangan kong makisalamuha sa mga bisita, nagbigay din ako ng maikling speech. Nagsimula na rin ang press conference ng Cardinals at si Vinci ang nandoon para magrepresenta sa kompanya. The twins are currently in a hotel room. Malapit lang dito at kasama ng dalawa ang parents ni Markiel. They're really love spending time with our kids. Pakiramdam ko ay lalaking walang mararamdamang pagkukulang ang mga anak namin. "Miss Sofia!" Mabilis akong ngumiti nang makita ang isang reporter mula sa isang kilala

