" What? Stepfather mo si s** " agad kong tinakpan ang bibig ni Lexie bago pa niya matapos ang sasabihin niya. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kwenento ko kasi na ang prof. namin at ang stepfather ko ay iisa.
" Yang boses mo ang lakas, mamaya may makarinig " inalis nito ang kamay ko sa bibig niya.
" s**t, Zyrine! Bat hindi mo naman sinabi sakin na ganun kagwapo ang stepfather mo? " kinikilig nitong sabi habang hinahampas ako.
Parang hindi tamang sinabi ko to sa kanya e.
" Aaaaaw! Nakaka-inggit ang mama mo. Sobraaaa! Ano bang ginawa ng mama mo sa past life niya at napakaswerte niya sa lalaki. Imagine, yung papa mo pa lang gwapo na tapos heto si sir na mala-anghel. Diyos ko, sana ako rin" sabi nito pero hindi ko pinansin. Iniisip ko parin kasi yung nangyari kagabi.
" Zyrine, mukhang mapapadalas na ang pagbisita ko sayo sa bahay niyo " hay naku Lexie, kung alam mo lang.
" Hi guys " napalingon kami ni Lexie sa tumawag samin. At nakita naming papasok sina Patrick at Ryan.
" Hi baby " pagkalapit ni Patrick saka umupo sa tabi ko. Ganun din si Ryan sa tabi ni Lexie.
" Hoy, Zyrine! Kailan mo ba balak sagutin yang si Patrick? " tanong ni Lexie. Napatingin naman si Ryan at Patrick sakin na tila hinihintay ang sagot ko.
" Bakit, nagmamadali kaba patrick? " tanong ko habang nakatingin sa kanya. Sumilay ang mga ngiti nito habang nakatingin sakin. Gwapo si Patrick pero mas gwapo yung stepfather ko. Ay s**t! Ano bang iniisip ko, juskoo Zyrine naman.
" Handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal " sabi nito.
" Yun naman pala e " kibit balikat kong sabi. Nakita kong umiiling iling si Lexie.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ako dahil late na pala kami sa next class namin which is history 6 at ang stepfather ko ang prof. namin.
" Huy gaga! late na tayo " sabi ko kay Lexie saka tumayo na at kinuha ang bag, ganun din si Lexie.
" Bye baby! " sabay pa talaga si Ryan at Patrick.
" Bye baby " paalam ng maharot na si Lexie, nauna na lang akong tumakbo at narinig kong nakasunod siya sakin.
Pagpasok namin, nakatingin ang lahat samin. Nakayukong naglakad ako para makaupo. Hindi rin nagtagal ay narinig kong nagpatuloy magdiscuss ang aking stepfather. Ano ba itatawag ko sa kanya? Sir? Stepfather? Diyos ko, bat ba kasi ganito?
I yawned, inaantok ako kasi naman hindi ako nakatulog kagabi e. Sino ba kasing makakatulog sa nangyari?
Naalala ko na naman yung nangyari, sarap mong batukan Zyrine. Bakit mo siya hinalikan? Naku, dimo man lang naisip na asawa siya ng mama mo.
Natigil ang pag-iisip ko nang sikuhin ako ni Lexie. Napatingin ako rito at natatawa pa siya.
" Kanina kapa tinatawag ni sir " bulong nito. Mabilis akong napatingin sa harap kung nasaan si sir. Nakita ko ang pagkunot-noo nito. Tsk! kasalanan naman niya kung bakit lutang ako sa klase e.
" Ms. Aguirre, baka naman gusto mo kaming isama sa pagda-daydream mo dyan? " seryosong tanong nito. At nagtawanan naman ang lahat.
Bwisit ka talaga! Arrrrrrrrgh!
Tinignan ko lang siya ng masama, pero nag smirked lang siya. Relax Zyrine, stepfather mo yan.
" Ms. Aguirre, paki-kolekta ang mga assignments at pakidala sa office ko." sabi nito saka nag-ayos na ng gamit. Napakunot noo na lang ako nang mag-paalam siya saka umalis.
Pwede namang siya na lang mangolekta e, hayst!
Pagkatapos kong kolektahin yung assignments ay dinala ko na agad sa office niya. Sila Lexie nauna na sa cafeteria, susunod na lang ako pagkahatid ko nito.
Kumatok ako sa office niya.
" Pasok " sigaw niya sa loob. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang ngiting-ngiting mukha ng stepfather ko.
" Close the door " utos nito.
Sinara ko ang pinto at lumapit sa kanya at inabot ang mga assignments.
" Sit down " sabi nito na nagpakunot ng noo ko.
" No thanks! aalis narin ako " sabi ko at akmang tatalikod na nang hawakan niya ako sa braso.
And there, naramdaman ko na naman ang tila kuryenteng nagmumula sa kanya.
" A-ano ba? " tila nanginginig kong tanong. Tinignan niya ako sa mga mata at muli ay tila nahihipnotismo na naman ako.
Akma siyang lalapit sakin nang pigilan ko siya.
" W-wag " natatakot kong sabi, na ipinagtaka niya. Umatras ako para medyo makalayo sa kanya pero sinusundan lang niya ako habang nakangiti.
" Please wag kang lalapit sakin " Parang awa mo na, baka maulit na naman yung nangyari kagabi e.
" Bakit? Natatakot kaba na baka hindi na lang kiss ang mangyari satin? " he smirked.
" Gago kaba? " singhal ko sa kanya. Pero nakangiti lang siya habang palapit ng palapit sakin at ako naman ay atras ng atras hanggang sa nakasandal na ako sa pintuan. Hinarang niya ang mga kamay niya sa gilid ko, kinakabahan na talaga ako. Yumuko ako para mawala yung kaba ko.
Mama, patawarin mo ako! Hindi ko to gusto, inaakit lang ako ng mala-anghel na manyak na to.
" Look at me " mahinang sabi nito, titignan ko na sana siya pero naalala ko na tila nakakahypnotise ang mga mata niya.
" H-hindi, ayaw ko " sabi ko saka siya tinulak pero hinawakan niya lang ang mga kamay ko. Pilit kong inaalis ang pagkahawak niya pero sadyang malakas siya.
" Why? hindi naman kita kakainin " natatawa niyang sabi.
" A-ayaw ko nga, alam ko yang ginagawa mo sakin. Hini-hypnotise mo ako " sabi ko habang pilit kumakawala sa mga kamay niya.
Narinig ko ang malakas niyang pagtawa nang sabihin ko iyon.
" Anong hini-hypnotise? " natatawa niyang tanong.
" Wag kana magkunwari, kasi alam ko lang " naiinis kong sabi.
lumapit siya sakin at bumulong.
" Baby, hindi kita hini-hypnotise. Sadyang malakas lang ang s*x appeal ko. " kinilabutan ako sa sinabi niya.
Hindi, kailangan ko nang makaalis dito at baka kung ano pang gawin niya sakin.
Hinawakan niya ako sa baba at nagtama ang mga mata namin.
Sobrang gwapo talaga niya..
Hindi!! Zyrine, stepfather mo yan!
Bago pa man lumapat ang mga labi niya sa labi ko ay buong lakas ko siyang itinulak. Binuksan ko agad ang pinto saka tumakbo palabas.
Muntik na naman akong naakit, bakit ba kasi ganito ako pag napapalapit sa kanya.
Magkakasala pa ako sa mama ko e. Walang hiya yung lalaking yun, hindi man lang naiisip na asawa niya ang mama ko. Gagawin pa niya akong kabit, kainis.