" Miss Aguirre " napabalikwas ako sa sumigaw. Inayos ko ang upo at tumingin sa harap. Nakita ko ang stepfather kong nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. " Ang lakas ng loob mong matulog sa klase ko ah " he smirked. " Sorry sir " sabi ko saka yumuko. Nakakainis naman to, akala ko ba okay na kami? Bat pinapahiya ako sa klase? " See me in my office after class " napatingin ako sa kanya na tila nagtatanong ng "seriously?" pero ngumisi lang siya. " Ayan! May Detention slip ka ngayon girl. " natatawang bulong ni Lexie. I rolled my eyes, nagpatuloy na siya sa pagtuturo. Nakinig na lang ako, mahirap na baka madagdagan detention slip ko. Habang nagtuturo siya ay pasulyap sulyap siya minsan sakin pero sinasamaan ko lang ng tingin at ang nakakainis pa ay ngingitian niya lang ako. Kung

