" Saan niyo gustong mamasyal? " tanong ni Zeus paglabas namin ng restaurant. Napangiti ang lahat sa sinabi nito, maliban sakin. Gusto kong matulog, inaantok ako. " Sir sa Motherfalls muna tapos sa hapon sa beach para hindi mainit " suggest ni Lexie, mukhang nakapagplano na tong babaeng to. " Sir, sa Dikasalarin gusto ko " singit naman ni Maicca, mukhang marami silang alam na lugar dito. " Bukas na tayo dun, dun na muna kayo sa motherfalls " sabi nito. " Sir hindi ka sasama? " tanong ni Janine, napairap na lang ako. " No, gustong makilala ng parents ko si Zyrine kaya pupunta kami dun. Wag kayong mag-alala nag hire ako ng tour guide and please wag matigas ang ulo niyo dun " sabi nito, habang ako hindi alam ang sasabihin. Nakita ko ang pag irap sakin ni Janine, tinignan ko lang siya ng m

