" Mama " sigaw ko pagpasok ko ng kwarto ko. Umuwi na ako ng bahay, sana lang tumupad sa usapan yung stepfather ko. Ano ba kasi dapat kong itawag? sir? Stepfather? Zeus? " Bakit? " nagtatakang tanong ni mama na nasa likod ko na pala. " May pumasok ba ng kwarto ko? " tanong ko. Malinis naman ito at ganun parin ang pagkakaayos ng mga gamit pero yung bed, parang may natulog dito. " Wala naman, bakit ba? " " Wala po ma, sige na papahinga muna ako. " umalis narin naman si mama at sinara ko na ang pinto. Inikot ng mga mata ko ang buong kwarto, bukod sa magulong kama ay pansin ko rin na iba na ang pagkakaayos ng picture frame sa side table ko. Nagpasya na lang akong palitan ang beddings saka mga punda. After ko magpalit saka ako naligo at lumabas ng kwarto. Dumeretso ako ng kwarto at naki

