Nagising akong masakit ang lalamunan ko, ano bang nangyari kahapon? Agad akong napatayo sa pagkakahiga nang maalala ang nangyari kahapon. Tinignan ko ang orasan at alas syete na ng umaga, alas otso ang pasok ko at may exam pa kami. Agad akong naligo at lumabas pagkabihis, hinanap ko si mama pero wala ganun din si Zeus. Nag iwan lang ng letter si mama sa lamesa at may pasok nga daw ito. Hindi na ako kumain at agad nagtungo sa school. Hindi ko alam kung paano ba ako nakauwi kahapon, basta ang alam ko lang nahilo ako at wala nang maalala. Itatanong ko na lang si mama pagkauwi. Pagpasok ko sa school ay may mga nagtitinginan sa akin at nagbubulungan. Anong meron? may dumi kaya ako sa mukha? Agad akong pumasok sa room namin at hinanap si Lexie. Napansin ko rin ang mga tingin ng kaklase ko

