PALOMA POV Halos lasing na lasing na ako habang si Cynthia at Daniel, game na game pa rin sa pag vi videoke. Sa totoo lang, hindi ako masyadong fan ng pagkanta at wala akong masyadong hilig sa music. Pero dahil sa nakatitig lamang ako kay Daniel, may something lang sa kanya na sobra akong naa attract. Mabuti na lamang at nasa gilid lang ako ng mga mata niya kaya okay lang na titigan ko siya. "Uy friend kanta ka na kasi..." pangungulit ni Cynthia, "Wag kang mag alala hindi ka naman namin huhusgahan ang boses mo. Ako nga kahit na sintunado, kumakanta pa rin ako." "Oo nga... minsan lang yan mag punta rito si Cynthia, sige ka wala nang papalakpak sayo kapag umuwi yan," panunukso ni Daniel. "Grabe ka! Wag ka ngang ganyan, masyado mong binu bully si Paloma..." "Okay lang," nakangising sab

