DANIEL POV "Sorry, hindi ko po nakita ang tinutukoy ninyo, medyo puyat lang ako kaya akala ko ay kilala ko ang tao sa picture." Kitang kita ko ang pagiging dismayad sa akin ng dalawang nagtatanong. Kinuha nila sa akin ang pictures ni Paloma at binungangaan na lang ako ng lalaking naka salamin. "Hay nako! Dapat kasi ay kanina mo pa sinabi 'yan. Umasa kami na may mahihita kami sayo but we ended up na walang nakuhang sagot." Nag paumanhin naman ako at tsaka sila umalis. Nababahala ako sa mga nangyayari at ilang minuto pagkaalis nila, bigla namang lumabas si Paloma sa kanyang kwarto. "Good morning!" nakangiting sabi niya, "Pwede ba akong magtimpla ng coffee? tanong pa niya. "Ah, just sit down and relax. Ako na ang bahalang mag timpla ng coffee mo," sambit ko sa kanya. Pinag timpla ko

