DANIEL POV "Ayun... tipikal na masungit. Napatingin lang ako sa wall niya ang dami nang sinabi. Wala na raw sila ng jowa niyang afam." "Talaga Daniel? Bakit naman, sayang akala ko forever na sila!" "Forever? That does not exist even in the dictionary. Ganun talaga ang buhay. Anyway, pinatawag niya ako dahil nag resign na pala yung assistant niyang si Mikaela at gusto niyang maghanap ako ng kapalitan. Ang hinahanap niya kailangan daw beking gwapo manly." "Really?" nanlaki ang mga mata ni Cynthia sa gulat, "Saktong sakto naman at bagay na bagay jan si Paloma. At least tama siya ng nilapitan kasi mayroon ka talagang ire refer sa kanya na literal na beki at gwapo." "Well... siya lang naman ang bukod tanging sumagi sa isipan ko nang banggitin ni Madam ang mga requirements niya para sa bago

