BILLY POV
Isinara niya ang windows ng sasakyan at tsaka niya ako sinunggaban ng halik sa labi. Sa gulat ko sa pangyayari, halos mapa iyak na lamang ako. Ayaw kong pumalag dahil baka pagbuhatan niya ako ulit ng kamay. Habang hinahalikan niya ako, muli niyang hinihimas himas ang pantalon ko.
This time, bigla na lamang siyang tumigil sa kanyang ginagawa.
"Mamaya na lang siguro gagalawin pag uwi mo," ngising demonyong sabi niya sa akin.
Nakatulala lang ako lalo na pag dating ko sa school. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, para akong may dala dalang bato sa likod ko. Hindi ako makapaniwala na pinagsamantalahan ako ng sarili kong step dad at mas lalong masakit na mismong nanay ko ay hindi ako pinaniwalaan.
"Bro okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka yata jan?"
I was pulled away from my thoughts nang marinig ko ang boses ni Xander, lumingon ako sa kanya at sumagot.
"Ha? May sinasabi ka ba?"
"Bro mukhang lutang na lutang ka ha? Exam day ngayon, wala na itong retake retake. Alam mo naman siguro na parehas tayong tagilid sa subject na ito diba?"
Pinipilit kong magkaroon ng presence of mind kagaya ng sinasabi ni Xander pero hindi ko talaga kayang iwaksi sa aking isipan ang panghahalay na ginawa sa akin ng sarili kong stepdad. Nang makarating na sa akin ang booklet para sa exam, ni hindi ko magawang iguhit ang ballpen para sagutan ang mga tanong.
"Mr. Brentson, are you okay? Why are you shaking?" ang tanong ng instructor ko.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang ako. I tried my best na sagutan ang test papers but unfortunately, I failed sa exam, the same goes sa iba ko pang mga subjects para sa araw na ito. Samantalang si Xander, nakapasa siya sa exams namin.
"Bro, what happened? Akala ko ba puyat ka kagabi sa kakareview?"
"Eh marami lang akong problema sa bahay. Bro baka pwede akong manghingi ng favor sayo?"
"At ano na naman 'yun? Wag mo sabihin sa akin na-"
"Oo, magpapalit tayong dalawa ng booklet. Baka kasi tingnan ng mama ko ang booklet ko, mayayari talaga ako kapag nakita niyang bumagsak ako. Sa stepdad ko kasi galing ang tuition fee na binibigay niya sa akin."
"Hays... kung di lang talaga kita kaibigan Billy, sige na buburahin ko ang pangalan ko para kunwari sayo itong booklet ko. Pero make sure lang na di ako madadawit dito sa kalokohan mo ha? Iniingatan ko lang din ang scholarship ko."
I gave him an assuring smile, "Of course ako ang bahala sayo bro, nang nakaraan hindi naman niya napansin ang kalokohang ginawa ko eh! Ililibre na lang kita bukas ulit ng baon pambawi sa kabutihan mo."
Binago ni Xander ang pangalan sa kanyang booklet at binigay niya sa akin. And then nauna na siyang umalis dahil mayroon pa siyang trabaho. Pag labas na paglabas ko sa school, naghihintay na naman ang kotseng itim ng stepdad ko. Nakangisi siyang parang demonyo.
Pinag buksan niya ako ng pinto at tsaka siya naupo sa driver seat. Sinarado kaagad niya ang mga bintana ng sasakyan at muli akong pinaliguan ng halik sa labi, pisngi hanggang leeg. Diring diri ako sa sarili ko dahil sa ginagawang pambababoy sa akin ng mismong stepdad ko.
Matapos niya akong pagsawaan, nagsimula siyang magmaneho.
"Kamusta na nga pala ang exams mo? Sabi sa akin ng mama mo, titingnan daw niya ang mga booklets mo mamaya."
Nginitian ko siya ng kampante, "Okay lang, nakapasa naman ako sa exam ko kaya kampante akong ipakita ang exam result ko kay Mama."
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay, nadatnan namin si Mama na naghahain ng pag hapunan namin, dumeretso ang sted dad ko sa kwarto nila ni Mama at naiwan kaming dalawa sa sala. Ang nakakalungkot lang, kitang kita ko pa rin ang pasa sa kanyang mukha. Nang makita niya ako, lumapit ako sa kanya at nag bless.
"Kamusta ang school mo anak? Ano pasado ka ba sa exam?" nakangiting sabi niya.
Hindi na ako sumagot, bagkus ay ipinakita ko na lang sa kanya ang booklet ko. Para hindi siya makahalata na binura ko ang pangalan, kaagad kong nilagay sa first page para makita niya na 90 ang score ko over 100. Maluha luha si Mama dahil sa labis na saya.
"Ang galing galing mo naman anak, siguro kung nandito ang tatay mo, mas lalo siyang magiging proud sayo," sambit ni Mama.
"Ma," tumulo kaagad ang luha sa mga mata ko, nagiging emosyonal talaga ako kapag nakikita ko siyang masaya. "Kapag po nakapag tapos ako ng pag aaral, pinapangako ko sa inyo na iiwan po natin ang stepdad ko."
Naglaho ng parang bula ang ngiti sa kanyang mga labi ng banggitin ko ang tungkol sa stepdad ko.
"Anak tawagin mo na ang tatay mo sa taas para sabay sabay tayong kumain," sambit niya.
"Ma naman... hanggang kailan ka mag titiis sa ganitong klase ng sitwasyon?"
Hindi tumingin sa akin si Mama na ginawang abala ang sarili niya bigla.
"Billy, kung wala kang magandang sasabihin sana ay manahimik ka na lang. Masaya ako sa piling ni Roger at kahit anak pa kita, hinding hindi mo mababago ang isipan ko."
Fuck! I feel na mas mahal ng mama ko ang asawa niya kaysa sa akin. Sana lang talaga ay matauhan na siya at iwan ang stepdad ko para magkaroon na kami ng katahimikan ni mama. Nang matapos si Mama, bigla siyang lumapit sa akin at dinuro ang kanyang kamay.
"At tsaka pwede ba Billy, tigil tigilan mo na ang pag gawa mo ng kwento sa stepdad mo! Ganyan ba ang dapat mong isukli sa taong nagmamalasakit sa ating dalawa? Simula ngayong araw, ititikom mo na ang bibig mo sa stepdad mo. Igalang mo siya at ituring na pangalawang ama."
Meanwhile, narinig namin ang mga yapak ng paa ng stepdad ko na pababa sa hagdan. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang walang ibang suot kung di sando at shorts.
"Mukhang masinsinan ang usapan ninyong dalawa ha? Tungkol saan ba 'yan?" tanong niya habang nakangisi.