PALOMA POV "Oh my gosh, Daniel," gulat na sabi ko sa kanya. "Wala siyang ginagawang masama." Inawat ko sila pero hindi ko kaya mag isa. Mabuti na lamang at may tumulong sa aking ibang tao sa pag awat. Pag uwi namin ng bahay, doon ibinuhos ni Daniel ang galit niya sa akin. "Ano ka ba naman Paloma? Bakit bigla ka na lang nawawala sa paningin ko?" "Sorry na," aminado akong natatakot ako sa paninigaw sa akin ni Daniel lalo na't ngayon ko lang siya nakitang magalit. "Sorry? Palibhasa kasi gwapo 'yung lalaki kaya nilapitan mo kaagad. Paano kung mamukhaan ka noon at ibalik ka sa mental hospital? Eh di mapapahiya ako kay Ma'am Jade niyan. Hindi ka nag iisip Paloma!" "Pasensya ka na Daniel, hindi na ito mauulit sa susunod. Oo, aminado ako na kasalanan ko naman talaga ito kasi nga gwapo yung

