Mabilis na tinakbo ni Fellie ang banyo ng bigla na lamang siya nakaramdam ng pagduduwal. Ilang minuto siya sa tapat ng lababo hanggang sa wala naman siyang mailabas pa. Nasapo niya ang nuo ng makaramdam ng pagkahilo. Bigla may kung anong ideya agad na sumulpot sa isip niya. Bumaba ang kamay niya na nakasapo sa nuo niya sa may puson niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa salamin. Hindi kaya...nagdadalang-tao na siya?! Umepekto ba sa kanya ang potion na pinainom sa kanila ni Sabina?! Nabalot ng kasiyahan ang puso niya. Sana hindi siya nagkakamali! Masama man ang pakiramdam kailangan nyang makausap sina Sanastacia at Sabina. Gusto din niya malaman kung may nararamdaman na rin itong sintomas! Mabuti na lamang wala sa palasyo ang kani-kanila mga kasintahan kasama ng mga

