Panay ang angil ni Aquer sa kakambal na si Aquill at Stella sa patuloy na panunukso nito sa kanya. Damn! Kinakahiya niya ang sarili sa nangyari. Sa buong buhay niya hindi pa siya nahimatay..at hindi dahil iyun sa hindi siya nakakatikim ng dugo ! Nahimatay siya dahil magkakaanak na siya! Fuck! Sino bang hindi mahihimatay kapag nalamang mo na ang babaeng kumupleto sa buhay mo ay dinadagdag pa ng bagong buhay..bagong pag-asa at ng bagong kasiyahan! "Epic yun,kambal!" halakhak pa rin ni Aquill habang nasa hapag-kainan silang lahat. At kanina pa siya napapahiya sa mga kasama nila roon! "Napakasaya ko at madadagdagan na ang apo ko," untag ng Reyna sabay masuyong sinulyapan ang unang apo nito na si Stella na abala sa pagkain nito. "Ako din,Ina! Madadagdagan na naman ng magagandang lahi an

