Gaya ng kagustuhan ng kanilang ina na si Prinsesa Rebeka ay sabay-sabay sila magkakambal na nag-isang dibdib sa kani-kanilang kasintahan sa harapan ng puntod ng kanilang ama. Ang Reyna mismo ang nagkasal sa kanila at saksi ang ilang malalapit at pinagkakatiwalaan ng Reyna. "Congrats! Saka na ang wedding gift ko kapag nakabalik na tayo sa mundo ng mga tao," anang ni Stella sa kanila mag-asawa. Yes,mag-asawa. Sa wakas asawa na niya si Fellie. Nakipagkamay naman sa kanya si Enrico at bumati sa kanila. Nang makabalik sila sa palasyo kung saan inbitado ang lahat sinalubong sila ng pagbati at sobrang daming regalo para sa kanilang bagong kasal. Hawak-hawak niya ang kamay ni Fellie habang nakatunghay sila sa pangalawang palapag ng palasyo kung saan pinapanuod nila ang lahat na nagkakasiyaha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


