Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng takot. Ang makitang ang babaeng na siyang nagpabago sa kanya..ang nagturo sa kanya na maging kalmado..at nagparamdam ng kung ano nga ba ang pagmamahal ay magbubuwis ng buhay para sa iba. Para sa kanya. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Fellie. Kasingbilis ng kidlat na hinablot niya si Prinsesa Roisa pero huli na ng maitarak na nito kay Fellie ang patalim at sa nakitang iyun wala na siyang natira pang kontrol. Kailangan ng magwakas ang kasamaan nito. Malakas na nabalibag niya ito na kinatili nito ng malakas. Ngunit bago pa man niya muli itong atakehin agad na napigilan siya nina Aquilles at Aquill. Ngunit dahil nilamon na siya ng galit kahit ang mga ito ay hindi niya hinayaan na pigilan siya. Kinalaban niya ang kanyang dalawang

