Hindi makapaniwala si Fellie na kasama siya sa salo-salo ng gabing iyun at kabilang sa pamilya na nabuo muli ng kasintahan si Aquer. Agad na napangiti siya ng bumaling kay Aquer ng pumisil ito sa hita niya sa ilalim ng mesa. Mula ng maging maayos na muli ang kalagayan niya ramdam niya ang pananabik ng kasintahan na angkinin siya pero nagpipigil lang ito dahil nangangamba pa rin na baka hindi pa siya tuluyan magaling. Natatawa siya kapag naalala niya ang hitsura nito gabi-gabi na tumatabi sa kanya sa pagtulog. Mukha itong bata na hindi pinagbigyan ng ina. Well,she miss his touch and kisses..their hot lovemaking. "Labis-labis ang aking kaligayahan ngayon dahil sa pagbubuo ng pamilyang ito..kahit na wala rito si Prinsesa Roisa,"masaya man ito may bahid ng kalungkutan ng mabanggit ang panga

