Walang emosyon na lumapit siya kay Prinsesa Roisa at malamig na nagsalita rito. "Nais kong magpahangin,mahal na Reyna," saad niya na matapang na sinalubong ang mapanuri nitong mga mata. "Pwede kitang samahan," malambing nitong saad. Lihim siya napatiim-bagang. Kailangan niyang makaalis dahil nais niyang malaman ang pakay ng babae na lumapit sa kanya. Ngayon lamang niya ito nakita at hinuha niya hindi ito nagmula sa womanland. "Wala kang tiwala sakin,mahal na Reyna?" Matiim siya nito tinitigan. "Pwede akong samahan ng dalawang kawal kung gusto mong masunod ang nais mo ngayon pa lang simulan ng magtiwala sakin," aniya. Napangiti ito sa sinabi niya. "Kung iyan ang nais mo,mahal kong Amir.." Agad na nakaramdam ng kilabot si Amir sa sinabi nitong mahal. Hindi siya gumalaw ng makita ang

