Panay ang mura ni Aquill ng maraming kalaban ang biglang nagsisulputan sa kung saan. "Okay,isa-isa lan-"aniya at biglang may tatlong babaeng bampira ang sabay na umatake sa kanya. " Hindi ako nanakit ng babae ha! Pero,damn! Para sa aming ina ito!"bulalas niya at tatlong bala ang nabawas na sa hawak niyang armas. Napahinto naman agad ang iba ng tangka aatake ang mga ito sa kanya ng makita ang hawak niya. Napangisi siya sa mga ito. Itinapat niya sa bibig ang ngudo ng silver g*n niya at hinipan na may usok na lumalabas roon. "Sino gusto sumunod sa inyo?" nakangisi niyang saad sa mga ito na sabay-sabay na umangil sa kanya habang nakalabas ang mga pangil at mga matang kasingkulay ng dugo na matalim na nakatingin sa kanya. "Aww..katakot naman kayo," aniya na muling kinaangil ng mga ito. "O

