Agad na napahinto sa pagtakas sina Stella ng may mga kalaban na humarang sa kanila. Mababangis ang mga anyo nito na nagpakaba kay Fellie. Pero hindi siya dapat magpatalo sa takot dahil hindi sila magtatagumpay kung may isa sa kanila ang magiging mahina at duwag. "Ako na ang bahala sa kanila. Tumakas na kayo ng Reyna," anang ni Stella. Agad na inalalayan niya ang Reyna. Ayaw niyang maging walang silbi sa laban na ito. Hahanap siya ng lugar na ligtas para pasamantala iwan ang Reyna at tulungan si Stella. Alam niyang hindi nito kakayanin ang mga kalaban. Pinagpapasalamat na lamang niya ng makakita siya ng lugar na pwede iwan ang Reyna. "Mahal na Reyna..gusto kong tulungan si Stella,nandito rin ako para lumaban..para sa pamilya ni Aquer," saad niya sa Reyna ng maisandal niya ito sa pader.

