Womanland Wala pa rin malay ang Reyna pero ayon sa manggagamot maayos lang naman ang lagay ng katawan nito. Hindi pa nababatid kung ano ang tunay ng dahilan kung bakit bigla na lamang ito nawalan ng malay at isang araw na ang lumilipas! Puno ng pag-aalala na tinitigan ni Prinsesa Rebeka ang Reyna. Hindi siya umaalis sa tabi nito maliban na lamang kapag kailangan niyang kumain. Gusto niya pa rin maging malakas kahit anong oras. Lalo pa at hindi nawawala ang pagdududa niya sa nakakatandang kapatid na baka may alam ito sa nangyari sa kanilang ina. Nakarating sa kaalaman niya na nasa mundo ng mga tao ang kapatid. Sigurado siya na hindi pa rin tumitigil ang kapatid sa paghahanap sa kanyang mga anak at kay Stella. At alam niyang nasa ligtas na kalagayan ang mga ito lalo pa nga't may pumupr

