Womanland Tahimik na nakasunod lamang siya kay Amir habang tinutungo nila ang tirahan nito. Gusto niya makita ang gagawin gamot ng Lola nito para sa Reyna. Sa hindi niyang pinaghihinalaan ang mga ito pero sa kaalaman na may nagtangka ngang patayin ang Reyna kailangan mag-ingat lalo na sa lumalapit sa Reyna at nauunawaan naman iyun ng mga ito. "Dito,mahal na Prinsesa.." nakangiti at masuyong untag ni Amir sa kanya. Agad na iniiwas niya ang mga mata rito dahil binabagabag siya ng ngiti nito at ng presensya nito. Natanaw niya ang isang simpleng bahay na gawa sa matibay na kahoy at talahib na bubong na nakatirik sa gitna ng kagubatan. Taas-nuo na nauna na siyang lumapit roon at hinayaan naman siya nito. Ramdam na ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya lalo lamang niyun ginugulo ang sist

