"Yes, Lolo, I'm on it. Opo.. maybe next year." Lolo ni Kaleb ang kausap niya? Ang nakikilala pa lang niya sa pamilya ni Kaleb ay ang ina nito. Hindi niya alam na may lolo pa pala ito. Oh, baka nga may mga kapatid rin. Wala naman nababanggit ang asawa. "Yes. Nothing to worry about. Inaayos lang ni Archer ang gusot sa isla." Bumalot ang kakaibang kaba sa kaniyang dibdib.. Ang isla bang pinag-uusapan nila ay ang isla barbates? "I gotta hung up now, Lolo. Bye." Nang maibaba ni Kaleb sa telepono, sumandal itong tila pagod sa upuan saka minasahe ang pagitan ng mga mata. Ilang sandaling nanatili naman si Macaria sa kinatatayuan niya bago dahan-dahang tinulak ang pintuan. Nginitian niya ang asawa nang magdilat ito ng mga mata at mag-angat ng paningin sa kaniya. Inilapag ni Macaria ang

