"Hay, naku! Ang daming kababaihan rito sa komunidad natin ang naiinggit sa 'yo, Macaria!Aba'y ayaw ka ng pakawalan ni Kaleb noong gabing inanunsyo ang kasal ninyo, ah! Iba ang mga titig niya sa 'yo!" Napangiti si Macaria sa kaibigang si Haryeta na nagprinsitang tulungan siyang ayusin ang mga gagamitin sa kaniyang Vivaha bukas. At dahil sa sinabi nito’y naalala niya ang mga kaganapan noong nakaraang gabi na puno ng tawanan, kwentuhan at pagdiriwang. Ilang kalalakihan ang pinaunlakan ni Macaria nang yayain siyang sumayaw. Isinayaw siya ng kaniyang ama, mga Berbata at halos hindi na siya pinakawalan ni Kaleb. Minonopolyo nito ang buong gabi na silang dalawa ang magkasayaw at magkausap. Sa tuwing magtatama ang paningin nila ay nagngingitian sila. Naglaho ang mga pinangangambahan niya at

