Binundol ng kaba ang dibdib ni Kaleb. Fuck... nakausap ba nito si Vanessa? Did she told her about their past s****l relationship? ——— Nilapitan niya si Macaria at naupo sa tabi nito sa kama. Noon lang rin napansin ni Kaleb na namamasa rin ang mga mata ni Amara. Parehong nakatingala sa kaniya ang mag-ina. "Anong nangyari, Love?" Nag-aalalang tanong niya. Umiling si Macaria at pilit na ngumiti. "W-Wala.." "Wala? Kung wala ano ang dahilan bakit ka umiiyak?" Hinaplos niya ang pisngi ng asawa saka bumaling kay Amara. "And this little girl too..." ito naman ang hinaplos niya. Isinandig ni Amara ang pisngi sa palad ni Kaleb na nakahaplos sa pisngi nito saka nangingilid ang luhang nagsalita. "Me... hungry, Papa..." Kunot ang noong bumaling si Kaleb kay Macaria. "Hindi pa ba kayo kumaka

