Imbes na si Kaleb ang makita ni Macaria— si Bonak ang naroon kasama si Sari. Ang posisyon ng dalawa ay nakaupo si Sari sa kahoy na lamesa, magkahiwalay ang hita't walang saplot na kahit ano habang naroon sa pagitan ng hita nito ang ulo ni Bonak na walang ring kahit anong saplot.
Nagulat ang dalawa sa pagtili ni Macaria kaya kaagad na tumayo si Bonak at pagpihit nito paharap papunta sa kinaroroonan niya— bumaba ang tingin ni Macaria sa gitnang parte ng katawan nito at nanlaki ang kaniyang mga mata.
Nalunok niya ang muling pagtili nang mula sa likuran ay may mga kamay na tumakip sa kaniyang mga mata sabay hinapit ang bisig sa beywang niya.
Hinila siya niyon sa kung saan. Nang pakawalan siya kaagad na pumihit paharap si Macaria at laking gulat niya nang makita si Kaleb.
"Anong ginagawa mo roon?" Napapakamot sa batok na tanong ni Kaleb. "Nakakita ka pa tuloy ng hindi mo dapat makita."
Hindi pa rin nakakahuma sa nasaksihang kahalayan pero nagawang sumagot ni Macaria. "Akala... Akala ko kasi... ikaw ang kasama doon ni Sari."
"Ako?" Kumunot ang noo ni Kaleb. "Bakit mo naman naisipan na ako ang kasama ni Sari roon?"
Nagyuko si Macaria. "Sinabi sa 'kin ni Tardo. Nakasalubong ko siya kanina at itinanong ko kung nasaan ka.. sabi niya pinuntahan ka ni Sari at isinama sa kubo..."
"Oo, pinuntahan ako ni Sari para magpatulong na buhatin yung mga gagamitin niyang kahoy pang-gatong. Pero habang nasa daan, nakasalubong namin si Bonak na nagprisintang ihatid si Sari sa kubo niya."
Kung hindi ba nagprisinta si Bonak, si Kaleb kaya ang naabutan niyang nasa posisyon nito kanina?
Nangilabot ulit ang buong katawan ni Macaria. Hindi niya lubos maisip na ganoon pala ang ginagawa ng mga magkarelasyon! Akala niya ay halikan lang at yakapan! Talaga bang dapat naroon sa gitnang parte ang lalaki? At anong ginagawa niya roon?!
"Macaria?" Untag ni Kaleb.
Bumalik ang atensyon niya sa lalaki. "Ah, ganoon ba..."
Patango-tangong itinukod ni Kaleb ang isang kamay sa punong kinatatayuan nila sa itaas ng ulo ni Macaria, dahilan upang lumantad mula sa manggas ng damit nitong pang-itaas ang matipuno at maugat nitong braso.
"Bakit mo pala ako hinahanap? May kailangan ka ba sa 'kin?"
Mabilis na bumalik ang tingin ni Macaria sa mukha ni Kaleb. Nakataas ang sulok ng labi nito.
Sandali, nahuli ba siya nitong nakatingin sa matipuno nitong braso?
"Hihingi sana ako ng paumanhin sa inasal ko kagabi. Hindi naman maikli ang pisi ko kaya hindi ko alam anong nangyari sa 'kin kagabi. Pasensya ka na."
"It's okay... naiintindihan ko. May pinoproblema ka kaya ang tendency, naibabaling mo sa iba yung frustration mo."
"Frustration?" Inosenteng tanong niya.
"Oo. Yung galit o inis na narararamdaman mo... lalo na't wala kang magawa at hindi mo masolusyunan ang pinoproblema mo."
Tama si Kaleb. Maraming tumatakbo sa isip ni Macari. Ang tungkol sa darating na Piarahana, ang pagbabago ng ugali ni Heron... at ang paglapit ni Sari kay Kaleb nung nakaraang gabi.
Naipon na lang lahat ng 'yon kaya marahil naputol ang pisi niya.
"Tama ka." Tumango-tango si Macaria at tipid na ngumiti. "Alam mo, kapag kausap kita... ang dami kong bagong natutunang kaalaman."
"Natutunan?" Umangat ang sulok ng labi ni Kaleb na sumandal sa puno.
"Oo. Yung mga salitang ngayon ko lang narinig." Tiningala niya ito. "Sandali, bumalik na ba ang ala-ala mo? O... mayroon ka ng naalala kahit kaunti?"
Kaleb took a deep long breathe. "May mga napapanaginipan ako nitong nakaraang araw... pero hindi ako sigurado kung parte 'yon ng nakaraan ko. Sa tuwing pipilitin ko naman alalahanin ang nangyari sa 'kin bago ako mapadpad sa dalampasigan, sumasakit ulo ko."
Nag-alalang umangat ang kamay ni Macaria at hinaplos iyon sa noo ni Kaleb. "Huwag mong pilitin. Hayaan mo dadalhin kita minsan kay Inang Mariya. Baka sakaling may pangitain siya sa pinagmulan mo."
"You don't have to apologize, Macaria. Ang mahalaga... okay na tayo."
"Okay?"
"Okay.. ibig sabihin... maayos na ulit tayo. Hindi ka na galit sa 'kin," ngumiti ito at ginulo ang buhok niya.
Ngumiti rin si Macaria. "Oo. Okay na tayo..."
Naging maganda ang mood ni Macaria sa buong maghapon. Napapangiti pa siya at napapakanta habang nagtatalop ng dahon ng buko. At sa gabi mahimbing ang naging pagtulog niya.
Nagising nga lang siya sa hindi kagandahang balita kinaumagahan.
"Ama, ayoko nga po!" Mariin na katwiran ni Macaria habang nag-aagahan sila. Ipinipilit na naman kasi nito ang tungkol sa Piarahana.
"Hindi. Pinal na ang desisyon ko!" Matigas na sagot ni Ser-Al.
"Desisyon ninyo! Hindi ko desisyon!"
Hinampas ni Ser-Al ang lamesang kawayan. "Kailan ka pa natutong pagtaasan ako ng boses, Macaria, ha?! Para sa 'yo rin itong ginagawa ko! Paano kung mawala na ako sa mundo! Sinong magiging katuwang mo? Ikaw lang ang iniisip ko!"
"Pero, Ama—"
Tumayo na si Ser-Al sa hapag. "Tulad ng sinabi ko, pinal na ang aking desisyon," iyon lang at iniwan na siya ng ama.
>
>
Unang araw ng Piarahana.
Inip na inip si Macaria na nakaupo sa tabi ng kaniyang ama habang ginaganap ang serimonyas. Naaasiwa siya sa tradisyon na kasuotang pambabae na suot niya.
It was a tube style top made from tapa cloth. She was also wearing a skirt that the length reached below her knee with left side slit until her mid thigh. It was made from pine cloth and have embroided flowers across it. And for accessories she wore a necklace made of pandanus.
Ilang beses na pinagtalunan ni Macaria at ng kaniyang Ama ang pagtanggi niyang mapabilang sa mga babaeng mapapasama sa Piarahana. Subalit matigas ang kaniyang ama, inilista pa rin siya sa gitna ng matinding pagtutol ni Macaria.
Ipinagdarasal na lang niyang sana ay walang lumahok na kalalakihan upang suyuin siya. Marami-rami na rin siyang tinanggihan noon. Wala na sigurong maglalakas loob?
"Espesyal ang taon na ito! Dahil kalahok sa taunang Piarahan ang nag-iisang anak ni Amang Ser-Al at susunod na Pinuno, Macaria ng tribong Barbatura!"
Nagpalakpakan ang mga tao.
Wala sa loob na napatayo si Macaria ng senyasan siya ni Amir ang tagapag-salita— na tumungo sa gitna, sa harapan ng mga katribong nanonood sa serimonyas.
Huminga ng malalim si Macaria nang makarating sa unahan at napangiwi siya habang pasimpleng inililibot ang tingin sa paligid. Isa-isa nang pumipili ang mga kalalakihang katribo niya upang magpalista.
Hindi ito ang inaasahan niya!
Lalong siya napangiwi nang makitang nasa pila rin si Tardo at Bonak! Ang lakas ng loob pumila ni Bonak, pagkatapos ng nasaksihan niya?!
Kinilabutan si Macaria nang maalala ang tagpong iyon. Ipinilig niya ang ulo at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
Natuon ang paningin niya sa likod ng mga manonood... kung saan nakahalukipkip at nakasandal sa isang puno si Kaleb. Nang mag-angat ito ng tingin ay nagtama ang mga mata nila.
Bumilis ang pintig ng puso ni Macaria nang makitang tumuwid ng tayo ang lalaki at nagsimulang maglakad papalapit sa pagtitpon.
Magpapalista rin ba siya?
Huminto si Kaleb sa bandang likuran at muling nagtagpo ang kanilang paningin. Ilang sandaling magkahinang ang paningin nila bago ito nilapitan ng isa sa mga katribo niyang lalaki.
Habang nag-uusap ang dalawa, palingon-lingon si Kaleb sa kaniya. Hanggang sa sumama na ito sa kausap na katribo niya.
Naiwang tinatanaw ni Macaria ang papalayong lalaki.
Ano bang iniisip niya? Siya, susuyuin ni Kaleb? Nahihibang na talaga siya...
"Wala na bang magpapalista?" Malakas na tanong ni Amir sa mga manonood kaya bumalik ang atensyon ni Macaria dito.
"Ako!"
Lumipad ang tingin niya sa lalaking nagsalita at namilog ang kaniyang mga mata.
Si Heron?
Sinundan niya nang hindi makapaniwalang si tingin si Heron na naglakad patungo sa opisyales na naglilista ng mga pangalan ng lalahok.
Pumirma doon ang lalaki pagkuwan ay sinulyapan siya't pumila na rin kasama ng ibang kalalakihan.
Hindi naman malaman ni Macaria ang iisipin! Anong kalokohan at sumali si Heron sa mga lalaking gusto siyang suyuin?
>
>
Nagsimula na ang tunggalian ng mga kalalakihang kalahok sa Piarahana at ang unang pagsubok para sa mga ito ay ang pag-akyat sa puno ng buko.
Kaniya-kaniyang tilian ang mga manonood para sa pambato ng mga ito. Sa grupo ni Macaria ang pinakamalakas na hiyawan. Kung saan si Heron ang nangunguna. Limang puno na ang nakaayat nito at bungkos-bungkos na ng bunga ang natalupan.
Pumapangalawa si Tardo na hindi man lang nakahabol kay Heron. Dalawang puno pa lang ang naaakayat nito at isang bungkos pa lang natatalupan.
Halos lahat ng manonood ay nakatuon ang atensyon sa mga magkakatunggaling nais sungkitin ang puso ng anak ng Pinuno.
Mas mahigpit ngayon ang mga Berbata sa pamamalakad at pagpapatupad ng mga patakaran sa mga inihandang pagsubok sa Piarahana.
Kaunting mali ay kaagad na binabawasan ang puntos at dinidiskwalipika sa pagiging kalahok.
Bagay na ipinagtaka ni Macaria.
Hindi naman ganoon kahigpit sa nagdaang Piarahana. Yes, it was a tradition, pero ang pinahahalagahan pa rin sa Piarahana ay ang maipakita ang lumang tradisyon sa pag-akyat ng ligaw ng lalaki sa isang babae.
Bakit tila naging paligsahan at kompetisyon ito ngayong taon?
Dahil ba kalahok siya? At ang mapipili niya ay siyang magiging katuwang niya sa pamamalakad sa buong komunidad?
Bumaling ang tingin ni Macaria kay Heron, na ngayon ay umaakyat na sa ika-anim nitong puno.
Heron is much more deserving than her. Kitang-kita ang dedikasyon ng lalaki sa kanilang komunidad, ang malasakit at kahandaang ipagtanggol ang nasasakupan.
Iyon ba ang dahilan kaya naisip ni Heron na sumali at maging kabiyak niya balang araw? Ang tulungan siyang pamunuan ang buong Tribo ng Barbatura?
"Ano bang nangyayari sa kapatid mong si Heron, Haryeta?" Tanong ni Macaria sa kaibigan.
Kasalukuyang naghahapunan na sila ni Haryeta kasama ang iba pang kababaihan sa malaking kubo.
Si Heron talaga ang nais niyang tanungin tungkol sa pagsali nito sa Piarahana. Subalit ipinagbabawal na mag-usap at magkita ang kalahok na lalaki at babae habang patuloy na sinasagawa ang Piarahana.
Tapos na ang pagsubok para sa araw na 'yon. Pinagpahinga na rin ang mga kalahok dahil bukas ay panibagong pagsubok na naman ang haharapin ng mga ito.
Umikot ang mga mata ni Haryeta. "Isa lang ang dahilan! Malamang ay lihim kang itinatangi ng nag-iisa kong kapatid!"
"Ano?" Kumunot ang noo ni Macaria. "Pero kaibigan lang ang pagtingin ko kay Heron, alam mo 'yon at alam niya 'yon..."
"Macaria, naalala mo ba ang sinabi ko noon? Hindi pa ako handang mag-asawa at wala ako ni katiting na pagtingin kay Hernan. Pero tingnan mo nga ngayon..." tila nanaginip itong tumingala at bumuntong hininga. "Napaka-saya ko sa piling niya! Walang segundo na pinagsisihan kong ikinasal kami."
Humugot ng malalim na paghinga si Macaria at sumalong baba. "Magkaiba kayo ni Hernan. Hindi naman kayo naging matalik na magkaibigan."
"Ayaw mo ba nun? Kilalang-kilala mo na si Heron? Kung sakaling siya ang magiging kabiyak mo, makasisiguro kang aalagaan ka niyang mabuti. Mapapanatag rin si Amang Ser-Al na napunta ka sa taong bata pa lang ay kilala na niya. At higit sa lahat magiging tunay na tayong magkapatid!" Humagikhik ito pagkatapos ay tumanaw sa labas ng kubo at nagliwanag ang mukha. "Nariyan na pala ang pinaka-mamahal kong asawa!"
Paglingon ni Macaria sa labas ng kubo naroon nga si Hernan at kasama pa nito si Kaleb.
Tumayo si Haryeta at naglakad na papalabas ng kubo. Sumunod si Macaria sa kaibigan.
"Mahal!" Humalik si Haryeta sa pisngi ng asawa at kaagad na kumapit sa braso nito nang makalapit sa dalawang lalaki.
Gumanti ng halik si Hernan at binalingan si Kaleb na nakapamulsa sa tabi nito. "Mahal, si Kaleb nga pala. Kilala mo na siya hindi ba?"
Ngumiti si Haryeta at hinaplos sa braso ang asawa. "Oo mahal, si Macaria ba naman ang nagtago sa kaniya doon sa kubo sa ilog," humahagikhik na sagot nito saka binalingan ang lalaki. "Magandang gabi sa 'yo, Kaleb."
"Magandang gabi rin," ani Kaleb sa baritonong boses. Lumampas ang tingin nito sa balikat ni Haryeta nang matanawang binabaybay ni Macaria ang daan patungo sa kinaroroonan ng mga ito.
"Oh, nariyan pala si Macaria!" Segunda ni Haryeta nang malingunan ang kaibigan.
"Magandang gabi, Hernan," bati ni Macaria sa asawa ng kaibigan saka binalingan naman niya si Kaleb. "Magandang gabi rin sa 'yo."
Ngumiti si Kaleb at bahagya siyang tinanguhan.
"Uuwi ka na ba? O babalik ka pa sa loob?" Tanong ni Macaria kay Haryeta na kung makaabrisyete sa asawa nito'y akala mo maliligaw sa gubat.
"Hindi na." Umiiling na sagot ni Haryeta at malambing na tiningala ang asawa. "Siguradong pagod na itong esposo sa maghapon na trabaho." saka bumalik ang tingin sa kaniya. "Mauuna na kaming umuwi. Gusto mo bang sumabay na sa 'min?"
Hindi kaagad nakasagot si Macaria. Dahil ang totoo gusto pa niyang manatili... gusto pa niyang makausap si Kaleb... pero hindi naman 'yon tama. May mga kalalakihang, handang gawin ang lahat ng pagsubok masungkit lang ang puso niya. At heto siya, ninanais na may makasamang iba?
Hindi 'yon patas para sa iba. Lalo na kay Heron na kitang-kita niya ang pagpupursigi kanina.
Kagat ang ibabang labi na tatango na sana si Macaria subalit biglang nagsalita si Kaleb.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya. Tutal doon rin naman ako tumutuloy."
"Ah, sige," patango-tangong sagot ni Haryeta. "Paano, aalis na kami. Paalam!" Hinila na nito ang asawa saka muling lumingon sa direksyon nila. "Magkita na lang tayo bukas, Macaria!"
Tumango siya at kinawayan ang kaibigan.
Nang maiwan sila ni Kaleb, namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Hindi siya nakatiis at tingala lang lalaki. Nahuli niyang nakatitig pala ito sa kaniya kaya mabilis nag-iwas ng tingin si Macaria.
Titig pa lang nito'y naging abnormal na ang pagpintig ng puso niya.
"M-Magpapaalam lang ako kina Apong Paz sa loob."
Tumango si Kaleb. "Go ahead, I'll wait for you."
Kahit hindi niya naiintindihan ang sinabi nito, bumalik si Macaria sa loob upang magpaalam sa mga kasamahan roon. Paglabas niya, nakasandal na sa may puno si Kaleb at naghihintay sa kaniya.
Mapusyaw ang kulay ni Kaleb kumpara sa kutia niya at ng kaniyang mga ka-tribo kaya naman kitang-kita niya ito kahit sa dilim. Agaw pansin rin ang taas nito. Hindi nga halos siya umabot sa balikat ng lalaki.
Kaya hindi kataka-takang taga-syudad ito. Hindi kasi nalalayo ang kutis sa mag-asawang Wolfhard at sa doctor na kaibigan ng mga ito. Pati ang lengguwaheng ginagamit ni Kaleb ay malimit niyang marinig sa mga ito.
Ang tanong lang ay paanong napadpad si Kaleb sa isla nila?
"Okay na?" Tanong nito nang salubungin siya.
Sunod-sunod na tumango si Macaria at tipid na ngumiti. "Oo. Okay na."
Marahang natawa si Kaleb, inakbayan siya at inakay na palakad.
Sumulyap pa si Macaria sa braso nitong nasa balikat niya. Alam niyang labag 'yon sa patakaran nila at oras na may makakita sa kanilang Berbata o kung sino mang nakatatanda sa tribo— siguradong oras mismo ay ipag-iisang dibdib sila.
Subalit nagugustuhan ni Macaria ang pakiramdam at init nagmumula sa katawan nito. Nagugustuhan niya ang pakiramdam na tila ba ligtas siya sa loob ng bisig nito.
"May problema ba?" Tanong ni Kaleb nang mapansing tinititigan ni Macaria ang braso nitong nasa balikat ng babae. "Bawal ba ang ganito..."
Umiling si Macaria at nagpatuloy na sa paglalakad. "Depende," sagot niya pagkaraan. "Kung may makakakitang Berbata or nakatatanda sa 'tin."
"At anong mangyayari kung sakaling meron?"
Sinulyapan niya si Kaleb. "Sapilitan nilang ipakakasal."
Ilan na sa mga ka-tribo ni Macaria ang nagkaroon ng ganoong kapalaran. Kababata pa niya ang iba. Sabi ng matatanda sa kanila, mapupusok daw ang kabataan, kaya naman makita lang na magkasama ng dis oras ng gabi, iniisip na nilang may naganap na sa pagitan ng dalawa.
Mabuti nga't hindi siya pwersahang ipinakasal kay Kaleb noong mahuli ito. Marahil dahil dayo ang lalaki at walang natatandaan bukod sa pangalan nito.
"Oh..." patango-tangong usal ni Kaleb. Inaasahan na niyang aalisin nito ang pagkaka-akbay sa kaniya subalit nanatili sa balikat niya ang braso nito hanggang sa makarating sila sa bakuran ng banwa niya.
"Paano... good.. night. Tama ba?" Ani Macaria na humiwalay na sa lalaki. Nakatayo siya sa harapan nito.
Ngumiti si Kaleb. "Good night, Macaria.."
Tumalikod na siya at naglakad patungo sa kubo nang matigilan rin.
"You know what… I really don't mind," ani Kaleb.
Nagtatakang nilingon ni Macaria ang lalaking apat na hakbang ang layo sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin?"
Humakbang palapit si Kaleb sa kaniya at huminto mismo sa harapan niya. "Wala akong pakialam kung may nakakita man sa 'tin kaninang naka-akbay ako sa 'yo. I'm more than willing to be your husband."
Mahinang napasinghap si Macaria nang bumaba ang mukha ni Kaleb at lumapat ang labi nito sa noo niya. He caressed her hair and smiled at her, showing his perfect white teeth.
"Good night... sleep tight.”
Nasundan ni Macaria ng tingin ang papalayong pigura ng lalaki at wala sa sariling dinama ang kaniyang noo kung saan dinampian ‘yon ng labi nito.
Halikan siya ni Kaleb?!
>
>
"Hindi ko alam, Haryeta. May sinabi pa siya pagkatapos ng salitang 'yon pero hindi ko naintindihan dahil ibang lenguwahe na naman!"
Kinuwento ni Macaria kay Haryeta ang nangyari kagabi. Bukod sa hindi siya nakatulog ng maayos, she needed to get it out of her chest. Parang sasabog sa kung anong emosyon ang puso niya.
“Pero sinabi niyang wala siyang pakialam kung mahuli kayo sa ganoong tagpo?”
“Oo!” Mahinang asik niya rito.
Impit na tumili si Haryeta at pinaghahampas ang braso niya. “Mahabagin! May pagtingin sa ‘yo si Kaleb!!” Tumigil ito sa paghampas nang makita ang nagugulumihang ekspresyons niya. “Oh, bakit ganyan ang anyo mo? Hindi ka ba masaya? Na ang pinaka-makisig na lalaki rito sa isla ay may gusto sa ‘yo?”
Aaminin niyang masaya siya. Pero maraming tanong sa isipan niya.
Paano kung may naiwanang asawa si Kaleb sa syudad? Paano na kapag bumalik ang ala-ala nito’t iwanan siya sa panahong kasal na sila?
“Macaria?” Untag ni Haryeta. “Hayan ka na naman sa pag-iisip ng malalim. May gusto lang sa ‘yo si Kaleb pero hindi naman ‘yon dahilan para tugunin mo ang damdamin niya.”
Bumuntong hininga si Macaria. “Kung talagang gusto niya ako, Haryeta… bakit hindi siya sumali sa Piarahana?”
Tumingala si Haryeta at napaisip. “Eh, ano pa bang magiging dahilan bakit niya nasabing, wala siyang pakialam na may makakita sa inyo nang magka-akbay? Isa lang ang ibig sabihin noon— gusto ka niya maging kabiyak, hindi ba?”
Malakas na naman na bumuntong hininga si Macaria dahil hindi niya rin alam kung ‘yon nga ba ang nais iparating ni Kaleb sa sinabi nito noong nakaraang gabi. Naguguluhan siya. Hindi niya alam anong iisipan.
“Macaria! Pinatatawag ka na ni Pinuno! Magsisimula na ang ikalawang pagsubok!” Imporma nang kararating na si Amera. “Naroon na ang lahat. Ikaw na lang ang kulang.”
Hinawakan na ni Haryeta ang kamay niya at hinila siya palabas ng banwa nito. “Halina, mas mahalagang pagtuonan mo ng pansin ang mga taong handang gawin ang lahat para lang mapa-ibig ka. Kaysa lalaking salita lang ang panghahawakan mo.”
Tila may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ni Macaria at nagpatangay na lang sa paghatak ng kaibigan.
Naabutan nilang nagsisibak na ng kahoy ang mga kalalakihang magkakatunggali. Si Heron na naman ang nangunguna. Patong-patong na pang-gatong na nasibak nito. Sumunod rito ay si Kalesi na isa ring kababata ni Macaria. Malaki ang katawan nitong puro pinta ang braso at dibdib.
Pinilit ni Macaria na ituon ang atensyon sa nagaganap na laban pero lumilipad ang isipan niya papunta sa kung nasaan si Kaleb.
Hindi pa niya nakikita ang lalaki mula pa kaninang umaga. Hindi naman ito nangaso dahil sa susunod na linggo pa ito isasama ng grupo ni Heron sa pangangaso.
Marahil nasa taniman ito kasama ang ibang kalalakihan na hindi kalahok sa Piarahana.
Napalingon si Macaria nang maramdaman niyang sikuhin siya ni Haryeta. Sinundan niya ang direksyon ng mga mata nito at natigilan siya nang makita si Kaleb na pumwesto sa inalisan ng isang lalaki na na-diskwalipika sa laban. Pinulot nito ang palakol at nagsimulang magsibak ng kahoy.
Lumipas ang ilang sandali, hindi na nagkakalayo ang nasisibak na kahoy ni Kaleb at Heron. Tila matinding magkakompetesya ang dalawa. Walang nais na magpatalo.
Sa dalawang lalaki na lang rin nakatuon ang atensyon ng lahat.
Tumigil sa pagsisibak ng kahoy ang mga kalalakihan ng pumito si Amir, hudyat na tapos na ang laban para sa araw na ‘yon. Si Heron pa rin ang binigyan ng pinaka-mataas na puntos ng mga Berbata at hinirang na siyang panalo sa pagsubok na ‘yon.
“Macaria! Saan ka pupunta?” Pasigaw na tanong ni Haryeta nang nagmamadaling bumaba ng entablado si Macaria.
“Diyan lang! Magkita na lang tayo mamaya sa hapunan!” Kinawayan niya ang kaibigan bago mabilis na naglakad sa direksyon kung saan niya nakitang tumungo si Kaleb matapos ang laban.
.
.
Nahinto sa pagpupunas ng pawis si Heron, isinabit niya ang tuwalya sa balikat at sinundan ng tingin ang papalayong pigura ni Macaria at naningkit ang mga mata nito nang makitang pumasok sa kagubatan ang babae.
>
>
Nakarating si Macaria sa may ilog. Lumilinga-linga siya sa paligid nang mula sa likuran ay may magsalita.
“Anong ginagawa mo rito?”
Pumihit siya paharap at nakita si Kaleb na ilang hakbang ang layo sa kinatatayuan niya’t walang pang-itaas.
Nangingislap ang pawisang katawan nito. Kitang-kita ang matipuno at matitigas nitong braso, dibdib at tiyan. Mamula-mula rin ang balat sa ilalim ng papalubog na araw.
Bumilis ang pagpintig ng puso ni Macaria.
“Sinundan kita pagkatapos kong makita na pumasok ka sa kagubatan,” matapat niyang sagot.
Humakbang papalapit si Kaleb, hindi inaalis ang mga matang matiim ang titig sa kaniya. “Bakit mo ako sinundan?” usal nitong huminto sa harapan niya.
Tumingala si Macaria. Her eyes caressing every part of his flawless face. “Anong ginagawa mo roon sa pinagdadausan ng pagsubok?”
“There’s tons of men wanting you to give them a chance.. gusto ko ring ipakita na kaya ko. Na kaya kitang ipaglaban.”
Hindi naglulubay ang mga mata nila. Para ba siyang hinihipnotismo ng mga titig nito. Hindi niya magawang mag-iwas at magbawi ng tingin. She wanted to get lost… in his eyes forever.
“Bakit… Bakit mo ‘yan sinasabi, Kaleb?”
Nakagat ni Macaria ang ibabang labi nang ilapit ni Kaleb ang mga kamay sa beywang niya’t hilahin siyang palapit sa katawan nito.
Halos walang makakaalpas na hagitan sa magkadikit nilang katawan.
“Hindi pa ba malinaw sa ‘yo?” Bulong nito sa tainga niya.
Nakaramdam ng kakaibang kiliti papunta sa pagitan ng mga hita si Macaria nang marahang dumampi ang labi nito sa punong tainga niya.
“Hindi…” mahinang usal ni Macaria.
“Ito ba malinaw na sa ‘yo?” Sinapo nito ang pisngi niya at sa isang iglap siniil nito ng halik ang kaniyang labi.