Si Hernan ang nagtungo at nagbukas sa pinto habang nakasunod ang nag-aalalang tingin ni Macaria. Mayamaya ay bumalik si Hernan kasama si Kaleb. Mabilis na tinakbo ni Macaria ang asawa at niyakap ito ng mahigpit. “Kaleb…” Niyakap rin siya nito. “Anong nangyari?” Bahagya siya nitong inilayo. “Sinaktan ba kayo ng mga bandido?” Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Macaria. “Hindi. Nag-alala ako dahil madilim na hindi ka pa rin bumabalik.” Ngumiti si Kaleb at hinalikan sa noo ang asawa. “Nagkaroon ng aberya sa isa sa mga bangka ng bandido, kaya na-delay ang pagpalaot namin. Huwag ka ng mag-alala nandito na ako.” Lumingon ito sa paligid. “Nasaan si Amara?” Bumaling si Macaria sa kuna. “Natutulog na.” Saka bumalik ang tingin sa asawa. “Nakahingi ka ba ng tulong?” Nagtungo sa may pintuan

