Chapter 19

1093 Words
" Why are you here?!" Gulat na sabi ni Uno, nang sa halip na sa likod umupo sa tabi niya ito prenteng nilagak ang sarili. " It's a long ride. I prefer the front seat." Anito at ikinabit na ang seatbelt. Tiningnan niya ito habang may mga ngiti sa labi. Nitong nakaraan na mga araw nag iba na ito kung dati halata niya ang pag iwas nito sa kanya. Ngayon, hindi nito pinipigilan ang sarili na lumapit sa kanya. " Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong nito sa kanya. Naiinis na isinuot niya ang kanyang aviator shades. At pinaharurot ang sasakyan. " You're not talking hindi ka ba naka inom ng testosterone pills mo?" Tanong nito sa kanya ng huminto ang sasakyan dahil sa red light. Andun pa din ang nakakaloko nitong ngiti. " I don't need those!" Sabi na lang niya dito. Hindi niya pinansin ang mga tingin nito sa kanya. " You're not in the mood! Meron ka ba?" Marahas siyang lumingon dito. " What are you saying?" " Problema! Meron ka bang problema? Ano ba ang iniisip mo?" Punong puno ng amusement nitong sabi. " Meron nga. At isa ka sa problema ko." Matapat niyang sabi dito. " Huh! Did I make you sleepless night? Katulad ng ginagawa mo sa akin?" " Hindi ako bakla, para problemahin kita katulad ng pag problema mo sa akin." Mahina niyang sabi, at nilingon ito. Umangat ang gilid ng kanyang labi. "I agree, wala sa iyo ang problema." " Last time, gustong gusto mong makita ang nakatakda mong pakasalan. Bakit yata nawala na ang interes mo?" Pag iiba niya sa usapan. " She's always busy. Hintayin ko na lang hanggang mag decide na siyang makipag kita sa akin at masimulan na namin ang aming road to forever." Nakita niya ang kasiyahan nito habang sinasabi iyon. " Bakit? Sigurado ka ba na babae ang gusto mo?" May kalakip na pag aasar niyang sabi. " Siguradong sigurado!" Inismiran na lang niya ito.Kakaiba talaga ang senyorito niyang ito ng mga nakaraan na araw. Hindi na lang siya nagsalita kahit ng huminto sila saglit sa isang native restaurant upang kumain. She ignored Sib at pinilit na hindi mag react sa mga ngiti at sulyap nito sa kanya. " Let me drive!" Sabi nito gusto sana niyang tumanggi pero hinawakan na nito ang kanyang bulsa at ipinasok ang mga kamay. Nabigla siya sa ginawa nito, nakita na lang niya na hawak na nito ang susi sa mga palad. " Why do you have to do that?!" High pitch niyang sabi, hindi siya sigurado kung anong boses ang lumabas sa kanya. " You ate too much! Baka antukin ka at mabangga tayo." Balewala nitong sabi at binuksan na ang sasakyan at naupo sa driver seat. Nakamaang lang siya dito. " Are you coming?" Sigaw nito sa kanya na sinimulan na paandarin ang sasakyan. Wala siyang nagawa kundi, sumakay sa front seat. Nakakainis na talaga ito, nanadya. " What's with that face? Are you offended? Uno, we're boys. Natural lang iyon." Tinapik tapik na nito ang balikat niya. Hindi niya mapiksi ang balikat kasi mas iisipin nito na apektado siya. " Siguraduhin mo lang hindi tayo mababangga." " Don't worry. I will never put us in danger. Madami pa tayong gagawin." Hindi niya ito pinansin at tumingin na lang sa kanilang dinadaanan. Si Sib na lang ang nag drive hanggang makarating sila sa grape farm nito sa La Union. " Do you like it?" Tanong ni Sib sa kanya pagbaba niya ng sasakyan ay tanawin ang malawak na grape farm. " Ito ba ang pinaka malaki ninyong farm?" Tanong niya kasi ito ang pangatlong grape farm na pinuntahan nila. "Hindi. Ang pinaka main namin na farm ay nasa Spain and California. We have to meet the demand for our wine factory. Lalo na may bago kaming wine na ilalabas.Trial lang ang plantasyon dito sa Pilipinas dahil sa klima, and with the help of new technology naging successful naman." " What an irony, but you can't drink wine much. To think your in the wine business." " C'mon, maybe I need some practice." Inakbayan siya nito gusto sana niyang mag reklamo na tanggalin nito ang kamay sa kanyang balikat. Pero mahigpit siya nito hinawakan. " Don't think about it, Uno. Pareho tayong lalaki kaya natural lang ito. Bakit your uncomfortable?" " Boss pa din kita. Nakakahiya naman." Dahilan niya, pero ang totoo naiilang talaga siya. Kasi sa pag akbay nito,pasimple nitong inamoy ang buhok niya. " I insist. Let's be friends, Uno." Anito na malapit sa kanyang tainga. Alam niya namula ang kanyang pisngi. Mahinang tumawa si Sib and lightly brush her cheeks. " You're blushing." Lalong hindi siya nito binitiwan hanggang makapasok sila sa kabahayan. At katulad ng mga iba nitong farmhouses, lahat ay kasasalaminan ng karangyaan. " This is your room. Rest for a while,tawagin ka na lang para sa pananghalian." Gusto sana niya magtanong, pero itinulak na siya nito sa loob ng guest room. Pag pinid ng pinto saka niya pinakawalan ang isang tili na kanina pa niya pinipigilan. " Oh, God! Oh my God!" Hindi niya alam kung ano ang iisipin kay Sib. Hindi naman niya matawagan si Ivanna at nag hibernate na ito. He changed! Sa dalawang beses na nilang pag punta sa plantasyon para siyang may nakakahawang sakit. Kahit pa nararamdaman niya ang pag sulyap nito sa kanya. Pagpasok nito sa farmhouse, iiwan na lang siya nito. Mga katiwala ang magbibigay sa kanya ng pwede niya magamit na kwarto. Sa halip na magpahinga lumabas siya ng guest room. Hindi naman siya napagod at si Sib ang nag drive. Nakita na lang niya ang sarili sa kwadra ng mga kabayo. Typical hacienda. Mukhang magaganda ang klase ng mga kabayo dito magaganda ang breed. Lahat ng farm nila maganda pero ito ang pinakagusto niya, kasi meron itong bahagi ng nagtataasan na mga puno ng niyog. Ang dinaanan nila sa kanluran bahagi ay mga ubasan. At ang silangang bahagi nama nito ay mga puno ng niyog. " Ipasyal kita, bukas. You will like it. Marunong ka bang mangabayo?" Boses iyon ni Sib na hindi niya alam na nakalapit na sa kanya. " Akala ko magpapahinga ka?" Sa halip sagot niya dito. " Magkalapit room natin, naramdaman ko lumabas ka. Kaya sinundan kita." Sabi nito na nakatitig sa kanyang mga labi. Iniiwas niya ang tingin dito. " Gusto kong maglakad lakad." " I will tour you tomorrow. Let's get inside nakahanda na ang pananghalian." Yaya nito sa kanya at ayan na naman ang pagpatong nito ng mga braso sa balikat niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD