"I missed you Ysa!"
Agad siyang niyakap ni Ivanna ng magkaharap sila.
"Me too! How are you, my dear sister?”
Tanong niya sa kapatid at pinagmasdan mukha nito.
"I can't say I'm good. I don't know what to do." Ani Ivanna at pabagsak na naupo sa sofa.
"Tell me."
Sabi niya naupo din siya sa gilid nito.
"It's Adam! He's making me crazy! He just told me he likes me."
Ani Ivanna at napasimangot ito. Gusto sana niyang sabihin na alam niya. Pero pinigilan niya ang sarili at hinayaan itong mag salita.
"Ivanna have you seen yourself in the mirror?"
Sa halip sabi niya dito.
Kunot noong bumaling naman ito sa kanya ng tingin.
"Anong klaseng tanong yan? Of course, I did!"
Nakasimangot pa din nitong sagot.
"So? Why are you surprised? You are beautiful, very beautiful! Magugustuhan ka ng kahit sinong lalaki."
Buong katotohanan na sabi niya sa kapatid.
Tumayo si Ivanna sa narinig at lumapit sa lifesize mirror na nakita.Nakipagtitigan sa ito salamin. Maari ngang physically attracted si Adam sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Ivanna ng mapagmasdan ang sariling mukha.
"What should I do? Do you think Mr. Mondragon will approve of Adam?"
Desperadong muling naupo ito sa tabi niya.
"He's every girl's dream and probably every family in high society wants to have him as their son-in-law. He's a good catch, my dear sister. Your lucky he likes you. For sure Mr. Mondragon will like him also."
Mahaba niyang litanya habang nagpalakad lakad sa harapan nito. Muling pumasok sa isip si Sib ng mabanggit ang pangalan ng kanyang ama.
"I will give him a chance?"
Naguguluhan na tanong ni Ivanna.
"Or you should say, give yourself a chance?" Ganting tanong niya sa kapatid.
Napakunot naman ang noo nito.
"What's the reason why you run away? Hindi ba to look for someone who will love you for who you are? "
Pagsagot niya sa sariling tanong.Mataman siyang pinakinggan ng kapatid, very attentive sa mga bawat salita na lumalabas sa bibig niya.Tumango tango pa ito bilang pag sang ayon.
"So, panindigan mo. Let's see kung hanggang saan ang sinasabi niyang pagkagusto niya sa iyo. Kailangan mong patunayan kung seryoso siya sa iyo. You know Mr. Mondragon,siya pa din ang masusunod if you disobey him you should know what to expect.."
Bantang totoo niya dito.
Nahulog si Ivanna sa malalim na pag iisip. Ganun din siya, iniisip ang sinabi ni Sib na para siyang magnet na dumidikit sa sistema nito. Pero halata niya ang pag iwas iwas nito sa kanya matapos ang party sa yate nito.
"Ganyan naman ang mga lalaki nakakabaliw talaga!"
Hindi niya napigilan na bulalas maya maya.
"So, Kapitan making you crazy?"
Nakataas pa ang kilay na tukso nito sa kanya. Kilala siya nito bilang panganay. She's in control and very independent. Ang akala niya talaga ito ang itinakda ng mga magulang na maipakasal,kasi sa kanilang dalawa si Ivanna ang walang dereksiyon sa buhay. She's the spoiled heirs of Mondragon. Party shopping, luxury vacation ganun ang buhay nito.
"He's getting into my nerve! Mapatunayan ko lang talaga na he's gay! I am very happy not to see his face ever again. "
Nanggigil niyang sabi sa mga ugali nitong pinakita ng mga huling araw. Iniiwasan siya pero nahuhuli niya ang mga titig nito sa kanya.
"Aminin mo! He's good-looking!"
Tukso nito sa kanya at sinundot pa siya sa tagiliran.Lalong nanggigil siya sa narinig.
"Oh my God! Tigilan mo ako Ivanna. Kahit gaano siya ka gwapo kung kapwa niya din lalaki type nya.No way!"
Pakiramdam niya tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan.
Thinking she will get married sa lalaki na iyon at lalaki ang ipagpapalit sa kanya. She will be ruined!
"No way! No way!" Halos sabunutan pa niya ang sarili sa naisip.
"Why are you acting as if it's confirmed his gender preference?"
Gusto nang bumunghalit ng tawa ni Ivanna sa matinding stressed na nakikita sa kanya.
"Yes, he is! He thought I'm a man and yet he kissed me!? Ano sa palagay mo siya?"
Her face turned red. For the anger or for the thinking that his lips touch hers! Or disappointed?
"What? Oh my God!" Bulalas ni Ivanna sa narinig.
"Yes, and I almost slap him so hard to come to his senses."
Maybpanggigil pa itong itinaas ang mga palad sa hangin.
"But then I realize I am Uno to him. His driver. Pag sinampal ko siya baka ako ang isipin niyang bakla."
Pagpapatuloy niya ng kwento na umani ng malakas na pag tawa ni Ivanna.
"What's so funny? Can't you see how frustrating it is to me?"
Tumirik pa ang mga mata niya sa matinding pag ka inis.
Ivanna can't help but burst into laughter even more.
"Okay fine, laugh your heart out."
Naiinis na lang na sabi niya sa kapatid.
"I'm sorry, Ysa. I can't help it! Maybe disappointed ka lang kasi he's your ideal man. It just so happens he's not a man but a gay?"
Nakangiti na patuloy na pang aasar ni Ivanna sa kanya.
"No! He's not my type!"
Todo tanggi niya dito, at nunca, na aminin niya na totoong nagagandahan siyang lalaki sa binata.
"Are you sure? Bakit masyado kang affected na hinalikan ka niya?"
Panunukat nito sa kanya at inirapan na lang niya.
"Because...amm.! Ahh. I hate him! Nanggigil talaga ako sa kanya."
Sigaw na lang niya na lalo naman natawa si Ivanna si kanya.
"You can still feel his lips? Ahem, he gave you a sleepless night? You might fall in love with this gay future husband of yours."
Sinamaan niya ng tingin ang kapatid.
"Asarin mo pa ako Ivanna, I will tell daddy what's your doing behind his back."
Pananakot niya dito para tigilan na nito ang pang aasar sa kanya.
"Okay, I'll stop!"
Pagsuko ni Ivanna at itinaas pa ang mga kamay.
"I'm sorry." Sincere nitong sabi sa kanya.
Nagkatinginan silang dalawa. Without a word, they hug each other. Umaasa na mabawasan ang agam agam sa puso. Tama ba ang kanilang ginagawa just to have a happy married life?