Chapter Four

1043 Words
" Leave me here, I will just call you." Utos nito sa kanya na nagkibit balikat lang siya at sinunod ito. Bago tuluyang umalis sa isang mamahaling hotel. Nahagip pa ng mata niya ang pag ibis sa sasakyan ng babaeng pumasok sa opisina ni Sib kanina. " Me affair siya sa secretary niya?" Kausap niya sa sarili. " Gaga, secretary niya iyon. Malamang me meeting sila.!" Natawa siya sa naisip. " It's not my problem anyway!" Muli na Naman niyang kausap sa sarili. Saglit siyang nag isip. "It's my problem! Kung me affair siya that means he's not gay!?! " Oh no, it can't be!" Sa halip na umalis mabilis siyang humanap ng parking space. Binuksan niya ang trunk ng sasakyan at kinuha ang isang di kalakihan na backpack. "You look good!" Sipat niya sa sarili matapos magsuot ng wig at simpleng damit na bestida. Sa restaurant ng hotel siya nagpunta. Nilibot niya ang tingin hanggat makita ng mga mata ang kanyang pakay. Agad siyang naupo sa malapit sa mesa nina Sib. Ilang saglit pa me lumapit sa mesa ng mga ito. " Dude!" Masayang bati ni Sib sa bagong dating. Napataas ang kilay niya. " Such a handsome guy! Kulang na lang pakpak anghel na." Komento niya sa isip sa bagong dating. " Where's Veronica?"tanong ni Sib. " She's coming! She's on the way." Nakangiti na sabi ng kausap ni Sib. Pinagmasdan niya si Sib. Hindi business associates Lang ang treatment nito sa bagong dating. "They seem close! Sad Naman Kung mababawasan ang mag produce ng good looking genes!" Nakaramdam talaga siya ng panghihinayang. Hindi pa nagsasawa ang kanyang pag sipat sa mga gwapo nitong kausap ng dumating naman ang isang babae na akala mo nasa runway kung lumakad. " Veronica!" Masayang bati ni Sib. "Hi" matamis na ngiti ng babae. Pareho itong nag beso sa dalawang lalaki. Magalang na hinila ni Sib ang upuan at pinaupo ang talaga. " So, we're here to talk about my project proposal. I hope you wouldn't say no." Napakaganda ng pagkakangiti sa bagong dating na babae. Bumaling ito sa katabi na binata. " Thank you, Adam!" Tinapik pa nito ang balikat ng lalaki. " Basta ikaw dude! Veronica will not say no, napaka tempting ng proposal mo. Di ba Veron, honey?" Matamis na ngumiti ito sa babae na parang may lumabas na mga puso sa mga mata habang naka harap sa dalawang anghel na walang pakpak. Pero ang boss niya mukha lang anghel pero may sa ugaling demonyito. Naiinis siyang tumayo at bumalik sa sasakyan at umalis sa lugar na iyon. Without changing dumiritso siya sa kanyang condo. Agad siyang nagtuloy sa bar counter at nagsalin ng mamahalin na alak. Kabaligtaran naman siya ni Sib pagdating sa tolerance sa alak. Nag ring ang kanyang telepono at agad na sinagot na makita kung sino ang tumatawag. " Hey what's up!" Malambing niyang sabi. " I'm not seeing you, for quite some time now. Where are you now?" Sa baritono nitong boses. "I'm on leave, Charlemagne." Narinig niya ang paglabas nito ng malakas na buntong hininga. " Hanggang kelan?" Tanong nito sa malungkot na boses. " Indefinite. Me inaasikaso kasi ako." Sabi niya, narinig niya ang mahina nitong pag tawa. " Being the owner of the airline company huh?" " Not me my father!" Pagtatama niya sa sinabi nito. " I hope I can see you, Ysa." Sasagot sana niya ng makita na tumatawag na si Sib " I need to go, Charlemagne." Tumawa ito. " You really like my name. Laging buo mong sinasabi." " Yeah, totoo I like your name." " I hope you can like me too." Sabi nito, napa buntung hininga na lang siya. Manliligaw niya ito na me katagalan na, pero hindi niya magawa ma entertain dahil sa obligasyon niya bilang Mondragon. " I have to go." Pagkababa niya ng tawag at damputin ang cellphone na ginagamit niya kay Sib agad na high pitch ito. " What took you so long to answer my call." " Sorry, nasa CR ako tumae!" " What the fvck!" Gusto sana niya makita ang reaction nito. Pero sa isipin pa lang natawa na siya. " Sunduin mo na ako dito, ngayon na!" Pagkasabi noon at nawala na ito sa kabilang linya. " Maldito!" Gigil niyang sigaw sa cellphone. Dahil malapit lang naman ang condo na kanyang tinutuluyan kaya naman siya sumaglit, pero hindi niya akalain na maipit siya sa traffic. " OMG! Nakikita ko na umuusok ang bumbunan niya." Pero sa halip na matakot, kuryusidad ang pumasok sa kanya. Paano nito I handle ang ganitong sitwasyon? " I'm so sorry sir, hindi ko alam ma traffic pala sa area na ito." Agad niyang hingi ng paumanhin at pinagbuksan ito ng sasakyan. Huminga lang ito ng malalim at pumasok sa loob. Pagpasok niya tiningnan niya ito sa rearview mirror, hindi niya pinahalata ang gulat ng magtagpo ang kanilang mga mata na nauna na pala siyang tinitingnan. " Where to sir?" Tanong niya na bahagyang ngumiti. " Home." Maikli nitong sabi at bumaling ang tingin sa labas ng bintana. " Home it is." Aniya at nagmaneho na siya patungo sa tahanan nito. Panaka naka niyang nililingon ang kanyang pasahero na tahimik na naka upo sa likod. " Amm, do you drink?" Maya maya ay pukaw nito sa katahimikan nila. " I do sir." " I'll change my mind. Let's go somewhere else then." Pinindot nito ang navigator ng sasakyan. " Just follow that address." Sabi nito, pagkasabi noon sumandal ito sa upuan at pumikit ang mga mata. Kapag red light, sinisulyapan niya ito. Mestizo ito at makinis, he is handsome. At ang mas agaw pansin sa kanya ang magandang hugis nitong bibig at natural na mapulang labi. " Tsk! Atat ang hayup!" Sabi niya ng makarinig ng busina na hindi niya pansin nag green light na. " Kapag makipag away ka dahil sa traffic at ma pulis ka huwag kang umasa na aaregluhin kita." Masungit na sabi ni Sib, na nakapikit pa din. " Wala naman po akong plano, senyorito. Ayaw kong magkaroon ng police record." Sabi niya dito, at nilingon ito sa rearview mirror, this time nag mulat ito ng mata. Umiwas siya ng tingin at tinuon ang sarili sa pag mamaneho hanggang makarating sila sa destinasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD