" Loko ka talaga, Adam!" Natatawa siyang binuksan ang mga message nito. Kasama ang larawan ni Ysa na naka pilot uniform. They're in Cayman Island, doon nito nakita ang kasintahan na si Ivanna. Ibinalik niya ang cellphone sa ibabaw ng kanyang desk at nag simula na pag aralan ang mga papeles sa mesa. Halos limang araw na ng umalis ang dalaga. At ngayon magtutungo ito sa Los Angeles kung saan doon naka base ang mga magulang nito. Nag send siya ng mensahe kay Adam. At pagkatapos ay nag pa book ng ticket sa kanyang secretary pa puntang LA. He wants to be present sa engagement party ng kaibigan at ng makita na din si Ysa. Matapos ang mahaba at nakakapagod na byahe, malaya niyang pinagmasdan ang glamorous na dalaga. Kanina pa niya ito hinahabol ng tingin kung paano na parang anino ito ng mag

