Phase 1

1282 Words
HUMIHINGAL akong huminto sa pagtakbo ng maramdaman na hindi ko na kaya. Tanaw tanaw ko pa ang magnanakaw na humablot sa cellphone ko na lumiko sa may isang eskinita na agad namang sinundan noong lalaki na tumulong sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa black shoes na suot ko na may kaunting heels. Nagpapadyak ako sa inis. "Dahil dito sa bwiset na sapatos na ito hindi ako makatakbo ng ayos!" Inis kong sambit, halos maiyak na. Abot abot na kamalasan ang nakasagupa ko sa araw na ito. Bagsak sa quiz, napagalitan ng teacher dahil late, natapunan ng juice ng classmate at higit sa lahat, nanakawan ng cellphone. "May imamalas pa ba?" Wala sa sarili kong tanong. Isang baritonong tawa ang pumukaw sa aking atensyon. Nanggaling iyon sa aking likuran at nang lingunin ko iyon ay namukhaan ang lalaking humabol sa magnanakaw. "Huwag ka na mag-alala." Lumapit siya sa akin at inilahad ang cellphone sa harap ko. "Nakuha ko naman kaya ito na." Nanlalaki ang mata ko nang rumehistro sa aking isip ang katotohanan na ang inaabot niya ay ang cellphone na halos iyakan ko na. Dali-dali ko iyong kinuha saka ing-check kung ayos lamang ba iyon. Nang masiguro na walang basag ay binalingan ko ng tingin ang lalaki na mataman lamang na nakatitig sa akin. Kumunot ang aking noo. Mukhang nahalata niya ang aking pagtataka kung kaya naman inilahad nito ang kamay at nagpakilala. "I am Carlos. Carlos Asera." Kusa niyang kinuha ang aking kamay at kinamayan iyon. "I am happy to finally meet you, Viviana." Nakangiti niyang sambit. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa narinig. Ang lalaking ito, ngayon ko lamang siya nakita ngunit alam kong siya ang anak ni Carl Asera, ang panganay. Paano niya ako natagpuan? Mabilis kong kinalas ang kamay ko sa kaniya at tumalikod, handa ng tumakbo paalis subalit agad niyang nahawakan ang aking braso. "Sandali! Hindi mo kailangan na matakot. Hindi ako masamang tao," sambit niya. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko bago ko pa siya maharap. Nginitian ko siya ngunit alam kong nauwi iyon sa ngiwi na umani ng tawa sa kaniya. "Don't be nervous. I know who you are. I just really want to meet you." Natigilan ako doon. Alam niya kung sino ako? "I asked Dad if I can meet you and he said yes, so. . . Can we eat together? My treat!" Masigla niyang sambit. Wala akong nagawa noong hilahin na niya ako patungo sa isang nakaparadang sasakyan na hindi ko nabigyan ng pansin kanina. Dinala niya ako sa isang hindi kagaraan na restaurant at doon ay lubusang ipinakilala ang sarili. "Gusto kong ituring natin ang isa't isa bilang normal na magkapatid. Ayos ba sa iyo iyon?" Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi at parang bata na tumango. "Ayos na ayos, Kuya!" Hindi ko mapigilan na hindi matawa ng maalala iyon. "Anong tinatawa tawa mo diyan, Pangit?" Lalo akong humagikgik dahil sa pagmumukha niyang mukhang takang taka kung ano ang dahilan ng biglaan kong pagtawa. "May naalala lamang ako," sagot ko sa kaniya. Sumimangot siya dahil doon saka ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan. "Sikat na sikat ako pagkatapos pinaghuhugas mo lamang ako ng plato," panunumbat niya sa nakaaawang boses. Tinawanan ko lamang siya. "Naku, Kuya. Kung alam lang nila na hindi ka naman talaga ka-gwapuhan sa personal at ang baho baho mo pa ay siguradong mauubos bigla ang iyong fans," pang-aasar ko sa kaniya. Ngumiwi siya dahil sa narinig. "Anong magagawa ko? Magpapamana ka na lamang kasi kapangitan pa!" Sabay kaming tumawa sa sinambit niya. "Ikaw ang mas matanda sa atin tapos sa akin mo iyan namana? Iba din, ha? Hindi kapani-paniwala." Sinegundahan ko iyon ng halakhak. "Naku, naku! Nagsalita si Viviana Asera na gandang ganda sa sarili pero hindi pa rin nakapag-aasawa." Ngumisi siya sa akin nang sabihin iyon. Pinanlakihan ko lamang siya ng mata. "Manahimik ka diyan. Akala mo naman ikaw. . ." bulong bulong ko na alam ko naman na narinig pa rin niya. "Oh, ano ako? May love life ako, ano! Hindi lang pwede i-public." Pagtatanggol niya sa sarili. Benelatan ko lamang siya at tinawanan. "Umasa ka na lang, Carlos Asera. Sigurado ako tatanda kang binata." Tumawa ako ng malakas bago siya iniwan sa kusina. I STARED at the golden envelope where my wedding invitation is attached. I can not help but to smile because of knowing how I am going to marry the woman I love. After six years of our relationship, we both decided to settle down. Amira Reyes Mundovel. Ang sarap noon sa pandinig. Linggo na lamang kinakailangan hintayin bago ako mai-kasal sa kaniya. I opened the door of her office and found her on her usual place, sitting on her swivel chair and signing some papers. I can't help but to fall in love with her over again. I cleared my throat and walks towards her. Mabilis na umangat ang kaniyang tingin at sinalubong ako ng matamis na ngiti. "Lanus, honey! Why are you here?" Sumimangot ako ng marinig ang kaniyang tanong. "Am I not allowed to visit my soon to be wife?" I asked. Umiling siya at saka ngumiti. "Silly!" she said. Agad akong pumunta sa kaniyang likuran at yinakap siya saka hinalikan sa pisngi. "I miss you and I want to see you so, I came here," I murmured. Naglandas ang isang ngiti sa kaniyang labi. "Lanus, you're so sweet." Mahinhin niyang sambit. I tilted her head to my side and captured her lips. "I miss you so bad, honey," I said after releasing her lips from mine. Isang ngiti ang isinagot niya sa akin. Isang katok ang umagaw sa kaniyang atensyon. "Come in," masuyong sambit niya. Hindi ako umalis sa pagkakayap sa kaniya kahit pa noong pumasok ang kaniyang sekretarya. Nahihiya itong ngumiti nang maabutan ang aming posisyon. "Ma'am, someone is looking for you. I think he is the representative of Asera Corporation." I can hear the uneasiness on the woman's voice and I guess Amira did too. "I'll be there in a minute, okay?" Tumango ang sekretarya at saka mabilis na nilisan ang opisina. Ngumuso ako at pinigilan ang ngiti na nais kumawala sa aking labi nang bumaling siya sa akin at tumalim ang tingin. "What?" Natatawang tanong ko na inilingan na lamang niya. "Stay here, okay? I'll just talk to them," paalam niya. Kinuha niya ang cellphone at saka tuluyang lumabas. Ako ang pumalit sa kinauupuan niya. Wala namang bago sa kaniyang lamesa, ganoon pa rin ang ayos. Malinis at sopistakada pa rin ang dating. Isa pang katok ang muling narinig sa labas at maya maya pa ay isang panibagong babae naman ang sumungaw sa pinto. "Ma'am-" naputol ang sasabihin noon ng makita ako. "I mean, Sir. Ibibigay ko lang po ito kay Ma'am Amira," paliwanag niya habang inilalahad ang isang brown envelope sa akin. Tumango ako at kinuha iyon. "You can leave now," malamig kong tugon. Tipid na ngiti ang iniwan ng babae sa akin. I put down the envelope on the table but seconds passed and there is something inside me that is urging me to open it. Kinuha ko iyon muli at binuksan. Binasa ko ang nakasulat doon. Minuto ang nakalipas at halos hindi mag-sink-in sa akin ang nabasa. Naramdaman ko ang pagdating niya ngunit nanatili ang tingin ko sa papel na hawak. "H-honey. . ." Nanginginig niyang tawag. Naging mabilis ang aking kilos. Tumayo ako at inilang hakbang ang pagitan namin saka siya kinabig. Ilang minuto pa ay pinakawalan ko siya at hinaplos ang kaniyang buhok. Nakabalatay sa kaniyang mukha ang kakaibang ekspresyon ngunit hindi ko iyon binigyang pansin. Bagkus ay hinalikan ang kaniyang noo. "Thank you, honey. For giving me this angel. I promise I will be a good father," usal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD