We have been here in Romblon for three days. Napakapayapa at matiwasay ang pamumuhay. Para bang walang problemang darating dito. Ngayon ko lamang nagawang makarating dito sa lugar na ito. Noon pa man ay Manila lamang ako at hindi nahilig sa pagta-travel dahil na rin sa wala naman akong makakasama at wala pang pera. Matapos ay nagkaroon ako ng anak sa murang edad. Isang malaki at magandang oportunidad din na dinala kami rito ni Jaren. Bukod sa kasama ko ang aking anak ay parang walang problema. Nakikita ko na masaya si Evan at halos parang hindi namamahay. Kung sa bagay, nakarating na kami sa kung saan-saan at maayos pa rin siya. Ngayon pa lamang na-enjoy ni Evan ang buhay na naipagkait ko sa kaniya. Si Jaren pa ang nakagawa noon, nadadawit lamang ako. Pinagmamasdan ko silang dal

