Lumuluha ako at nakaluhod sa harapan niya habang siya ay nakaiwas ang tingin sa akin. Kumikibot ang kaniyang labi habang ako ay nakahawak sa kaniyang kamay. “M-ma… tulungan niyo ang anak ko,” pakikiusap ko. Wala na akong maisip na paraan. Nang marinig ko ang sinabi ng Doctor ay nagmamadali akong nagtungo kung nasaan si Evan at iisa lamang ang hinihingi ng Doctor sa akin upang masolusyunan ang problema at iyon ay ang makahanap ng heart donor. Sa isang tulad ko na wala ng trabaho, wala pang pera at lalong walang koneksyon, saan ako makahahanap noon? Kahit mahirap lunukin ang pride o kahit na ipinangako ko na noon na hindi na ako lalapit sa kaniya, anong magagawa ko kung siya lang at nakikita kong pag-asa? “Heart donor, Ma. Tulungan niyo po ako,” sambit ko sa pagitan ng paghikbi. Nari

