Hindi ko alam kung sino ang lalaking ito pero dahil sa aura sa loob ng silid na iyon at miski na ang atmosphere ay mabigat, nagpapatunay na hindi sila nagagalak na ito ay makita. Wala namang kumikibo sa kanila. Lahat ng magkakaibigan ay masama ang tingin sa lalaki habang ito ay parang nagliliwaliw lang; nakangiti at inililibot ang tingin sa paligid ng silid. Nang dumapo ang tingin niya sa akin ay kumindat pa ito. Suminghap ako at tumalim ang tingin sa kaniya. Nang lumingon ako kay Jaren ay mataman siyang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at saka yumukod para malapit kay Evan. “Anak, let’s go outside. We will wait for Uncle Jaren there,” bulong lamang iyon pero dahil tahimik nga ay may posibilidad na narinig ng iba roon. Umayos ng upo si Jaren at agad na hinanap ang aking mata.

