Kinabukasan ay nagising akong mag-isa sa kama. Wala na ang dalawa kong katabi at kahit libutin ang silid na iyon ay wala sila. Sumulpot ang kaba sa dibdib ko at nagmamadaling hinalughog ang loob ng penthouse ngunit hindi ko rin sila doon naabutan. Nanginginig ang mga kamay ko at kalamnan dahil sa labis na kaba. Did Jaren took my son away? Tapos na ba ang oras na ibinigay niya para makasama ko si Evan? Did he decide that he will take back Evan somewhere and planned to let us see each other after the three months ended? May mga telepono na naroon ngunit kanino ako tatawag? Hindi ko alam. Lumabas ako, diretso sa elevator para marating agad ang baba. There’s a possibility na kakaalis lamang nila at maabutan ko pa sa ibaba. Pabalik-balik ako nang paglalakad sa loob ng elevator at halos maka

