“Care to introduce her to me?” anito habang may malawak na ngiti sa akin ang diretso ng kaniyang mga mata. Hindi ko malaman kung ano ba dapat ang reaksyon na ipakikita ko sa kaniya pero sa huli, matipid na ngiti na lamang ang isinukli ko sa kaniya nang sa gayon ay wala siyang masabi sa akin. Lumapat ang kamay ni Jaren sa aking likuran at marahan akong iginiya palapit sa babaeng bisita. “Les, this is Viviana. I already told you about her, right?” si Jaren iyon na mas humigpit ang pagkakayakap sa akin ngayon mula sa likuran. Awkward ang pakiramdam ko sa babae dahil una sa lahat ay ngayon ko lamang naman siya nakita. Malapad na ngumiti ito sa akin at saka ibinaba ang sandok na hawak bago in extend ang kanang kamay sa akin. Marahan ko iyong kinuha saka tumango. “

