Alas otso ng umaga, sa halip na sa bahay ako dumiretso ay sa Hospital na ako nagpahatid. Katulad ng dati, naabutan ko pa rin ang anak ko na nakahiga at walang malay. Ang kaibahan lang ay mas marami na ang naka-konektang tubo sa kaniyang katawan na isang indikasyon sa mas lumalala niyang kalagayan. Nagsisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Hinaplos ko ang kaniyang buhok at pinatakan ng isang halik ang kaniyang noo. Tumulo ang luha ko sa kaniyang pisngi na agad kong pinunasan. Suminghot ako at tumingin sandali sa kisame upang mapigilan ang pagtulo pa ng luha. Humugot ako ng malalim na hininga at saka suminghot-singhot. “E-evan…” kinuha ko ang kaniyang kamay. “B-babalik si Mommy dito t-tapos gagaling ka na…” kahit anong pigil ko ay tumutulo pa rin ang luha ko at ang hikbi ay

