sa pagtakbo ng maramdaman na hindi ko na kaya. Tanaw tanaw ko pa ang magnanakaw na humablot sa cellphone ko na lumiko sa may isang eskinita na agad namang sinundan noong lalaki na tumulong sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa black shoes na suot ko na may kaunting heels. Nagpapadyak ako sa inis. "Dahil dito sa bwiset na sapatos na ito hindi ako makatakbo ng ayos!" Inis kong sambit, halos maiyak na. Abot abot na kamalasan ang nakasagupa ko sa araw na ito. Bagsak sa quiz, napagalitan ng teacher dahil late, natapunan ng juice ng classmate at higit sa lahat, nanakawan ng cellphone. "May imamalas pa ba?" Wala sa sarili kong tanong. Isang baritonong tawa ang pumukaw sa aking atensyon. Nanggaling iyon sa aking likuran at nang lingunin ko iyon ay namukhaan ang lalaking humabol sa magnanaka

