ARAW NG SABADO at walang pasok ngayon sa opisina ng Sandoval Corp. Inc., at bukas ay babalik na ako sa Manila. Kahapon ay pumunta ako sa opisina ni Kuya Heinz para manggulo ay este para yayain silang dalawa ni Elisa. Tulad lang ng dati, kaming tatlo ang mag – bo – bonding. “Kuya Heinz, alis na ako sa Sunday. Hindi man lang tayo naka – ikot ng Santa Fe gamit sila Jack at Spade.” Wika ko dito. Hapon na iyon at susunduin ko si Elisa, ma mimiss ko rin kasi ito pag – alis ko. “What’s your plan?” sagot nito na naka – tingin pa rin sa kanyang binabasa. “Mamasyal tayong tatlo nila Elisa, dalhin natin si Jack at Spade. At sa huli maligo tayo sa falls, mag – picnic tayo. Tapos na naman ang gumagawa doon para naman ma – experience ko muna ang kubo.” Saad ko dito. “Okay then. So what time tomorro

