NAPADAMI ANG KAIN ko, usually limited to one cup of rice lang ako minsan ay hindi ko pa nauubos ang isang cup pero kanina ewan ko ba yung sinasabi ni Elisa na pwedeng pandalawang tao ay halos ako ang kumain. Mabuti at may dalang pagkain si Henry. Madamot na kung madamot pero ayaw kong i-share sa kanya ang dalang food ni Elisa. Medyo bad trip nga imbis na masosolo ko ang dalaga ay dumating pa ito. Hindi naka ligtas sa akin ang paglagay lagay niya ng pagkain sa pinggan ng dalaga. Kaysa masira ng tuluyan ang araw ko ang baong pagkain ni Elisa ang pinag – diskitahan ko. Tinanghali ako ng gising kaya ng tinawag ako ni Henry ay naligo lang ako at nagbihis. Diretso na ako sa garahe kung saan hinihintay ako ni Daddy. Kaya naman punmasok ako ng walang laman ang aking tiyan ng kahit na ano. Yung

