Chapter 5

1616 Words
Bella Rose POV " Tinik tama na 'yan kanina ka pa diyan, " saway sa akin ni Dagta. Kahapon pa kasi ako narito sa hide out namin. day-off ko naman ngayon kaya ilalaan ko na lang ang oras ko sa gym. Lahat natapos kona at itong boxing na lang ang pinaka huli, Kanina nag-sparing pa kami ni kuya Lim at dahil sa galit na galit ako ngayon kaya natalo ko siya sa kauna-unahang pagkakakataon. Kahit kasi gaano ko ginagalingan ay hindi ko pa rin siya matalo-talo. Sabay kami nag-training ni kuya at lalaki pa rin siya kaya mas malakas sa akin kaya isang himala na matalo ko siya. " Rose, my Princess tama na please, baka bumigay na ang katawan mo. " Pigil ulit sa akin ni kuya Lim. Kanina ko pa kasi sinusuntok ang punching bag, galit na galit kasi ako, matapos namin kumain ni Doc Rex kahapon ng gabi. Ayos na sana eh, kung hindi niya lang inungkat ang tungkol sa mga magulang ko. FLASHBACK " Wala na akong mga magulang " ani ko, nabuhay muli ang galit ko sa pamilyang ito. Tinapos ko lang ang aking pagkain at hindi na nagsalita pa. " I'm sorry, nurse Rose," halata nito ang pananahimik ko dahil sa tinanong nito. " Hayaan n'yo na po, ayaw ko man po maging bastos Doc, pero kailangan ko nang mauna, pasensya na. " Hindi kuna lamang siya pinasagot at tumayo na ako agad at tuluyang lumabas, Ramdam kong naka sunod agad siya sa akin. " Nurse Rivera, I'm sorry, " sabay hawak nito sa aking balikat, ngunit dahil nasanay na akong pilipitin ang kamay ng sino mang hahawak sa akin sa balikat kaya nagawa ko sa kanya ang bagay na 'yun mabuti na lang at hindi masyadong malakas dahil kung nagkataon baka hindi na siya kailanman nakapag opera pa. " Pasensya na doc, nag-aral lang ako ng self deffence, sorry, ayos lang po ako at huwag n'yo nang alalahanin nariyan na rin ang sundo ko. " Totoo naman ang sinabi ko dahil tapos na raw si kuya Lim kaya susunduin na lang niya ako, alam din naman niya kung nasaan ako dahil sa gps na nakakabit sa cellphone ng bawat isa sa amin. Kaya naman matapos ako magsalita ay sakto namang dating ni kuya Lim kaya sumakay na ako agad at tuluyang siyang iwan. END OF FLASHBACK Dahil ayaw ko pa ring tumigil kaya naman labis ang gulat na naramdaman ko ng barilin ni kuya ang punching bag. Kaya naging dahilan ng aking pag tigil. Hingal na hingal ako at masama siyang tiningnan, at dahil galit pa rin ako kaya lumapit ako at ginawaran ito ng suntok, at dahil mabilis din siya gaya ko kaya lahat ng suntok ko sa kanya ay naiiwasan niya ito at nasasangga. " Bakit ka nakiki-alam ha, wala kang karapatan kuya, dahil pinsan lang kita, " At dahil nabigla siya sa sinabi ko kaya tumigil ito sa pag-iwas at naging dahilan upang tamaan ko ito ng suntok sa mukha. Huli na ng ma-realize ko ang aking sinabi. " Kuya, I didn't mean to__ " No, your abosulutely right, hindi mo naman ako kapatid, dahil pinsan mo lang ako. " " No, kuya I'm so__" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil lumabas na lang ito at maya-maya ay narinig kuna ang ugong ng sasakyan niya. Napa-upo na lamang ako at pinagsusuntok ang sahig, alam kong sumobra ako sa aking sinabi, lalo na kay Kuya Lim. Siya lang ang naging sandigan ko mula noon. Ayaw kong umiyak pero hindi kuna mapigilan. Lahat na lamang ginawa ko para hindi lang maiyak, kaya pinagod ko ang sarili ko, pero sa huli doon at doon pa rin pala ang bagsak. Yumuko ako at tuluyang pinakawalan ang aking mga hikbi at luha. Bakit ba ganito ang naging buhay ko? Kung minsan, hindi ko maiwasan na sisihin ang diyos. Bakit napaka lupit niya sa akin? Bakit kailangan dalawang magulang ko pa ang nawala? Masama ba akong tao noong unang buhay ko? Kaya ako pinarusahan? Hindi ko man lang naranasang bigkasin ang katagang mama o kaya nanay, mommy, ina, inang o kaya tatay, daddy, papa, amang, ama. lahat-lahat. Kaya ni minsan hindi ko man lang naranasan ang tinatawag nilang family day kung saan pinapasyal ng mga magulang ang kanilang anak sa tuwing araw ng linggo para mag simba at kumain sa labas. Kaya inggit na inggit ako kapag nakakakita ako ng masayang pamilyang namamasyal at kumakain sa park at sa kung saan. Nadamay ko pa si kuya Lim sa galit ko, kaya ngayon nagtatampo siya sa akin. At bakit nga ba ako galit na galit? Hindi dapat ako naapektuhan ng Doctor Rex na iyon. Hindi dapat ako naniniwala na mabuting tao siya, at lalong-lalo na hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Hindi dapat maling-mali kaya pinaparusahan ko ang aking sarili baka sakaling matauhan. *** Matapos ako umiyak sa paglabas ng sama ng loob ko ay nagpasya na lamang ako maligo para puntahan si Kuya Lim na kasalukuyang nasa bar ngayon. Alas otso na ng gabi, wala akong trabaho ngayon dahil pina-lailow muna ako ni Tito Gen matapos mahuli si Mr. Kabuysahi. Ayon sa kanya ay pinapahanap daw niya ang may kagagawan ng pagka huli niya, kaya nagpasya muna si Tito Gen na hindi muna ako bigyan ng assignment. Pero kung ako ang papipiliin? Mas gusto ko pang makipag laban sa mga goons kaysa makasama ang doktor na iyon na nagpapakaba at nagpapatuliro sa akin. Suot ang black fitted jeans, blouse at leather jacket at itim na stilleto. Naka ponny tail lang ang aking buhok at light make up ay nagpasya akong lumabas at sumakay ng aking sportscar na kulay itim. Pinatakbo ko ito ng mabilis patungo sa bar, sa may Makati kung saan naroon si kuya Lim. Kailangan ko siyang suyuin, kaya naman bumili ako ng bouquet ng flowers at nilagyan ko ng sorry letter, alam ko naman na hindi niya ako matitiis. Pumasok ako ng bar dala ang bulaklak at hawak ang aking cellphone para ma-track ang kinaroroonan ni kuya Lim kaya naman hindi ko na nakita ang taong aking nabangga at naging dahilan ng pagkahulog ng hawak kong bulaklak at ang cellphone ko. " What the__ hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. " Iretabli kong sabi. " I'm sorry__ ," sabay pa kaming napa upo ng taong naka bangga ko at sabay din namin nilingon ang bawat isa. " Nurse Rose? ___ " Doctor Abuel? " At sabay din namin nabanggit ang pangalan ng bawat isa. Hawak ko ang cellphone ko at hawak naman nito ang bouquet ng flowers na dala ko. Tiningnan niya ako na kunot ang noo. " Akin na Doc___ang flowers, " hawak pa kasi nito ang bulaklak, marahil nagtataka siya or baka may gusto siyang kompirmahin. Siguro iniisip nito na lesbian ako kaya inunahan kuna siya. " Para po sa__ sa boyfriend ko 'yan Doc. " " M--may boyfriend kana? " Di mapigilan nitong tanong. " Sige po doc, " hindi kuna sinagot ang tanong nito, at pinuntahan kuna si Kuya Lim sa itaas. Naka vip room siya kaya pumasok ako agad, at nadatnan ko itong may kahalikang babae. " Oyy, sorry, nakaka istorbo ba ako? " Umalis agad sa kandungan niya ang babae at masama akong tiningnan. " Of course, b**ch " Parang nag pantig ang tainga ko sa aking narinig. samantala si kuya Lim pinipigilan niya lang ang matawa. " Gano'n ba? Sorry ha, " umopo ako sa tabi ni kuya Lim. Nilapag ko ang flowers sa mesa kasabay din ng baril ko. " Sige lang don't mind me, tuloy n'yo lang, " sabi ko pa. Pansin ko ang panlalaki ng mga mata ng babae at pamumutla nito. " Ahh, ehh sige Limuel, aalis na ako. " Nanginginig nitong sabi.at nang umalis na ang babae ay saka na lamang sumeryoso si kuya Lim. " Kuya, galit ka pa ba? " Hindi ito nagsalita, bagkus para siyang batang nag walk out at lumabas. Pero dahil pursigido ako kaya kinuha kong muli ang baril at inilagay muli sa aking tagilaran at ang bulaklak, saka ko siya sinundan at hinawakan agad sa kamay. " Mag-usap tayo ano ba, sorry na? " Winaksi nito ang aking kamay kaya naman nabitawan kong muli ang bulaklak at naging dahilan kaya nalaglag muli sa sahig. Nakita ito ni kuya Lim, kaya naman lalapit na sana ito nang biglang sumulpot si Doctor Abuel sa tabi nito at hinawakan din nito sa kamay si kuya para pigilan ito. " Brod, don't you have manners? She said sorry." Nabigla ako sa pakiki-alam nito kaya naman napatayo ako agad at lumapit sa kanila. " Doc, hayaan n'yo na po kami, " kinuha ko ang kamay ni Kuya Lim at hinila ito palabas, ngunit dahil sa mas malakas siya sa akin kaya walang nagawa ang lakas ko. " Who are you? Bakit nakiki-alam ka sa away namin ng girlfriend ko? " Ano ba naman itong si kuya Lim, ang daming arte,anong girlfriend? Yari ka sa akin talaga. " Who Am I? I'm Doctor John Rexford Abuel. " Nakakakuha na sila ng eksena at pinagtitinginan na ang mga ito. Tumayo ng tuwid si kuya Lim at gayon din si Doc Rex. Nagsusukatan sila ng tingin at masama ang titig sa bawat isa. Naka ngisi si kuya habang si Doc Rex naman ay salubong ang kilay. " I think wala ka nang paki-alam sa amin ni Rose, " kinuha ni kuya Lim ang aking kamay upang maka-aalis kami ngunit nabigla ako sa sunod na sinabi nito. Hinawakan din naman ni Doc Rex ang isa ko ring kamay. " May pakialam ako, dahil kong ayaw muna sa kanya, ibigay mo na lang siya sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD