ROSE " Huwag!" Habol ko ang aking hininga nang magising mula sa mahabang pagkakatulog. Naalala ko ang nangyari kaya kinapa ko agad ang aking dibdib. May suot na akong damit kaya nakahinga ako ng maluwang. Tumingin ako sa paligid, hindi ito ang k'warto na pinagdalhan sa akin ni Vhon, dahil kulay puti ang ceiling at hindi tulad nito na kulay abo. Pinilit kong bumangon kahit hinang-hina pa rin ako. Hindi naman ako basta tinatablan ng gano'n klaseng gamot, pero palagay ko'y may ibang halo ito kaya gano'n na lang ang panghihina ko ngayon. " Mahal! " " John? __ " Gulat na gulat ako at hindi makapaniwala na nandito siya ngayon sa aking harapan. " Thank God you're awake." Kitang-kita sa mukha nito ang pag aalala nang lapitan at yakapin ako nito ng mahigpit. " Mahal paano___" Hindi na ako

