Third Person Pov FLASHBACK Nagsimula ang pananakot ni Vhon kay Doctor Abuel nang nalulong ito noon sa car racing. Sa racing kasi nilalabas ni Doc ang frustration niya sa paghahanap sa kasintahan nitong si Bella Rose na bigla na lamang nawala matapos nitong malaman ang tinatagong lihim nito. Oo nang una nagalit si Doc Rex dahil sa panglilinlang sa kanya ng unang babaeng minahal niya. Pero dahil sa labis pa rin niya itong mahal kaya tatanggapin niya pa rin ito. Pero dahil sa magaling magtago si Rose kaya hindi niya ito mahanap sa kung saan. Hanggang magawi siya sa dating hilig nito simula pa noon. Lingid sa kaalaman ni Doc Rex na pinapatakbo pala ito ni Logan, na lider ng sindikato na nagpupuslit ng mga mamahaling sasakyan at nagpapatakbo ng illegal na karera. Alam naman din ni Doc

