"ACHOOO!" magkakasakit ata ako dahil kanina pa hindi matapos-tapos ang pagbahing ko. Tulad din ngayon, hindi rin matapos-tapos ang paglalagay ng kung anu sa mukha ko. Alam ko naman na maganda na ako pero mas lalo pa nila ako pagagandahin. Sabi nga, magtira rin ako para sa iba. Duh. Sabi nga ni Vianno noong isang araw ay ngayon na gaganapin ang auction. At kanina pa ako hindi mapakali. Dahilan para paulit-ulit akong sinisita ni Aris dahil masisira ang ginagawa niya sa akin. Napasimangot tuloy ako. Pagkatapos akong ayusan ay ibinigay sa akin nito ang isang may kalakihang kahon. Iniabot ko ito at walang tanong-tanong na pumasok sa banyo. Mukhang magkakasakit ata ako. Huhubels. Sampung minuto akong nagtagal dahil sa hindi ko alam kung paano ito susuotin at ang bagal pa ng kilos ko. "

