NAKATITIG. Ang mga mata nito na puno ng diterminasyon at pinalidad na emosyon. Hindi ko magawang makapagsalita. Ni kahit ha o hi hindi ko man lang magawa. Hindi lang iyon ang nakikita ko sa mga mata niya kundi galit at puot. "they pay of what they've done to us," habang sinasabi na mga salitang ito, ay nararamdaman ko ang kanyang galit. Pero, kanino? Imbes na magtanong ay unti-unti kong inilalapit ang aking mga kamay sa kanyang pisngi. Sa hindi ko malamang kadahilan ay gusto kong maiyak sa nararamdaman kong emosyon sa kanya. "Dark..." iyon lamang ang naibigkas ko. Gamit ang aking mga palad ay sinapo ko ang kanyang pisngi upang mas makita ko pa ang kanyang mga nagbabagang mga mata. Ngunit, iba ang nakikita ko ngayon. Ang Dark na may takot at pag-aalala. Kahit na may pagka-shonga ang

