"D-DARK..." utal ko. Nandito na siya. Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib. Nandito na siya. Bahagya akong napangiti. Ngunit nawala rin agad iyon ng tutukan niya ng baril ang kaharap. Sa walang kahit na anong bahid na emosyon sa mukha. Nang mapansin itinutok ni Dark ang baril sa babae ay napatigil ang lahat. Naghihintay sa susunod na gagawin. Alerto. Napakaseryosong paligid. Hindi pansin ang maingay na paligid na pinangagalingan sa loob ng gusali. Suminghap ang nasa harap ng muntik na itong mataman sa ginawang pagkawala ng putok ng baril nito. "...mierde," narinig ko pa ang sabi nito sa ibang lingwahe na hindi ko maintindihan. Sinamaan din niya ng tingin si Dark. Nakipagtagisan ito ng titig sa lalake. Humalukipkip ang babae, "so, is this what you kind of welcoming m

